I’ll Be There by Cambrielle

They Sing It, You Write It – One Shot Story Making Contest: SEASON 2 – ROUND 4, SECOND PLACER, GRAND WINNER

The following story is inspired by the song I’ll Be There by Martin Nievera

I’ll Be There

by Cambrielle

Love: The common cause of madness…

 

Dr. Irish Ong’s POV

December 2014

Binasa ko sa ika-sampung beses ang chart ng aking bagong pasyente. Nabibilang siya sa pinakamakapangyarihang buena familia sa bansa. Isa siya sa mahabang listahan ng mga confidential cases na hinahawakan ko ngayon.

Draven Vantilla. 35 years old. Psychotic Depression. Medical History: Vehicular accident (2004): blinded and almost crushed his chest to death; a heart transplant recipient. The heir of the Vantilla business empire.

“My son’s not getting any better,” sabi akin ni Don Alfredo Vantilla. “Simula nang mabaliw siya, hindi na bumuti ang lagay niya.”

“Ano ka ba Alfredo?! Hindi baliw ang anak natin! Wala lang siya sa kanyang sarili,” saway ng asawa niyang si Doña Leonora. Nagligaw tingin lang ang don. Parehong nasa sesenta años na ang mag-asawa. Simula nang mangyari ang trahedya sa kanilang unico hijo, napilitan na silang ipagpatuloy ang pagtaguyod ng kanilang mga negosyo. One thing is for sure, their son’s health is on a rapid decline this year. Swerte na nga ito na maka-survive ng ten years gamit ang isang transplanted heart.

Ginagap ni Doña Leonora ang kamay ko bago ako makalabas ng Chief of Hospital office. “Please, make him well. We are on the twilight of our years. Gusto pa naming makita ang dating Draven.”

“I’ll do my best, Doña Leonora. You can count on me.”Sinundan ko si Don Alfredo papunta sa isang malaking kwarto. Pinagmasdan ko siya habang dina-dial ang code. Kusang bumukas ang latch ng  pintuan. Namangha ako nang matuklasan na hindi pala iyon pintuan. Isa iyong private elevator.

Ganoon talaga ka-desperado ang mga Vantilla para itago sa madla ang anak nilang may “sakit”?

“Alam kong nagtataka ka sa set up na ito. May kaselanan ang kondisyon ni Draven,” malumanay na saad ng don.

“It’s okay, I understand.” Pinagmasdan ko ang larawan ni Draven Vantilla ten years ago. One of the hottest male specimen God ever made. Iyon lang ang tanging masasabi ko dito. He’s a perfect guy. Mayaman, matalino, at gwapo. Ano kaya ang dahilan kung bakit siya nasiraan ng bait?

Pagdating sa ground floor ay giniya ako ni Don Alfredo sa pintuan ng isang malaking greenhouse. “Hanggang dito lang kita pwedeng ihatid Dra. Ong. Magwawala si Draven kapag nakita niya ako. May isang private room sa loob niyan. Please save my son from his own madness,” huling sabi nito bago bumalik sa elevator.

Dahan-dahan kong binuksan ang glass door ng greenhouse. Sinamyo ko ang halimuyak ng mga bulaklak. Nagliliparan rin ang mga paru-paro sa paligid. Ang nakaagaw talaga ng aking pansin ay ang isang imprastraktura sa gitna nito.Sa katunayan, mas matatawag itong “bahay” kaysa “hospital suite room”. Bungalow style iyon. Tatak mayaman. Napapalibutan iyon ng mga bulaklak. Agaw pansin ang red spider lilies na nakapalibot sa bushes ng hydrangea. A crazy man’s paradise.

Lycoris radiata, the red spider lily” bulong ko sa aking sarili.Ngayon lang ako nakakita niyon sa Pilipinas. Normal na makikita ang mga iyon sa Japan at China. “Flower of afterlife,” pinitas ko ang isa sa mga iyon.

“This guy considers himself dead,” napapitlag sa nagsalita. Nabitawan ko ang bulaklak. Paglingon ko ay may nakita akong babaeng naka-pink scrub suit. “Bree” ang pangalan nito sa nameplate. Kung pagbabasehan ang dala-dalang blood extraction kit, masasabi niyang medtech ang babaeng ito.

“Pasensya na po kung nagulat ko po kayo Doc,” sabi nito habang matipid na ngumiti.

“It’s okay. I’m Dr. Irish Ong, Mr. Vantilla’s new psychiatrist. Oras na ba para sa lab test monitoring ni Draven?”

“Opo, Doc.” Tinaas ni Bree ang dalawang test tubes na may dugo. “Katatapos ko lang po siyang kunan.”

“What happened to him?”

Naging malamlam ang mga mata ni Bree. “Nasawi po siya sa pag-ibig.” 

Love: The common cause of madness… Another failed romance… 

Pinulot ni Bree ang bulaklak at inabot sa akin. “Thank you.”

Ngumiti siya, showing off her dimples. “Walang anuman. Maiwan ko na po kayo. Kailangan ko na pong i-process ang sample ni Sir.” Kumaway siya at umalis.

Hawak-hawak ang bulaklak ay tinungo ko ang daan papunta sa bahay. Humugot ako ng malalim na hininga saka pumasok sa kwarto. Halos tulalang sunod-sunod akong lumunok.

So this is Draven Vantilla. Tila naglaho ang lahat ng kaba ko nang tuluyang makita ang pasyente ko. He was fast asleep, with one foot on the ground, one arm over his head and his other hand clinging on the leather cased book over his chest. His white sleeved polo is opened halfway across his chest–his beautiful chest–and his hair framed his strickingly handsome face. Kahit na mahimbing ang tulog nito ay halatang may dinaramdam ito. He began twisting, his head thrashing, his muscles straining, no doubt caught in the grip of a horrific nightmare. With a broken voice he yelled from deep within his lungs, a deafening roar of anguish.

Lahat ng tapang na baon ko ay parang binuhusan ng malamig na tubig. Ang lalakeng may maamong mukha ay nawala sa isang iglap at napalitan ng isang nahulog na anghel. Draven started pulling his hair, tears pouring over his face. Sumalsal ang tibok ng aking puso ng magtama ang aming mga mata. His tormented brown eyes says it all. Draven Vantilla is indeed miserable.

He stared at me with bleak brown eyes. “Maari ka nang umalis. Hindi kita kailangan,” ani ni Draven sa isang malamig na tinig.

Lumapit ako sa kanyang paanan. “Please calm down, I’m not a threat. I’m here to help yo–“

“I’m not insane. I don’t need to be fixed! Nothing is wrong with me because everything is wrong with me!” puno ng galit ang mga mata nito.

Hinawakan ko ang kamay niya. “Draven–“

Tinabig niya ang aking kamay. “Bring her to me. Kailangan ko si Cutie, ang Cutie-cutie ko,” sabi nito habang hinahaplos ang bracelet nito. “My angel, my cute angel.” Pumikit ito at nagsimulang mag-hum ng isang pamilyar na kanta.

Nandito ako para ‘ayusin’ si Draven. Hindi ako pwedeng sumuko. “I’m here as a friend. In fact, I want to know more about your angel. What’s her name again? Cutie-cutie, right?” I approached him slowly, gently, my movements gentle and nonthreatening. Umupo ako sa upuan sa gilid ng kama. “Maari ba natin siyang pag-usapan? Maybe I can help you find her. Tutulungan kitang alalahanin ang nakaraan ninyo.” Napakurap si Draven. Unti-unting nag-relax ang katawan nito.

May binulong si Draven sa kanyang bracelet. Hindi ko iyon marinig ng mabuti . Ang tanging naririnig ko lang ay ang huling sinabi nito: ‘I’ll be here. I’ll be here.’ Pagkalipas ng ilang minuto ay napatingin si Draven sa akin. “What do you want to know about her?”

“Everything. Babalikan natin ang iyong nakaraan. Kikilalanin ko siya tulad ng pagkilala mo sa kanya. I will help you remember every precious moment with her. “I gave Draven a reassuring smile. “Kakampi mo ako. You just need to remember her.” And the man you used to be.

“She left me. Isa akong malaking hangal!  I wanted to take her back.’ He fisted his hair again. “Oh God, how I wanted her back! I searched for her but I couldn’t find her! ” Sinuntok-suntok ni Draven ang kanyang ulo. I tried to stop him but he kept on pushing my hands away. “Gago ka kasi. Gago! Gago! Gago!” sigaw niya sa sariling repleksiyon sa salamin.

Sa sobrang pagduduro niya sa sarili ay nahulog ang kanyang pulseras. Kinuha niya ito sa sahig. Hinaplos niya ang kanyang bracelet habang nakangiti.Bigla na namang nag-360 degree turn and mood nito. ” My Cutie-cutie, I’ll never forget her face. I’ll never forget her voice. I can still remember everything about her and the memory of my love. Love that I would never feel again. She’s my one and only. Gusto ko siyang makitang muli. Kahit sandali lang. Please, she’s all that I live for. Please, let me see her face again.”

He’s falling for it. I gave him another reassuring smile. “All you have to do is to listen very carefully.” Pinaandar ko ang metronome. “Now relax. Settle back in your bed. Take a deep breath. Relax your nerves. Relax your mind. Relax all over. Listen to the sound of the metronome. Isabay mo sa tunog nito ang tibok ng iyong puso. Huwag kang magsasalita. Keep your mind in my words. Think of nothing else. Soon your eyes will be heavy, and you wish to close them and fall into sleep. Remember her. Remember her.”

Napapikit si Draven. He’s responding. I need to deepen his trance. “You are asleep. Go deeper asleep, deeper asleep,” I said with a hypnotic voice. “Take a deep breath, relax and go deeper asleep. I will raise your right hand and when I release it you will go deeper asleep.”

Tinaas ko ang kamay ni Draven at binitawan ito. His hand drops back to the bed like a wet rag. Time for sleep talking, Draven Vantilla.  

Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ

,Draven Vantilla’s POV 

February 2004, Ten years ago…  

“Get your dirty hands off me!” paulit-ulit na sigaw ko. My body is vibrating with tension. “Don’t you know who I am? I’m Draven Vantilla! I own this place!” I tried to pull my stupid brain together. Naramdaman ko ang paglapat ng alcohol sa aking braso. Lalo akong nagpumiglas. Damn! Batid kong tuturukan na naman ako ng heringilya. Three male nurses were never enough to stop my thrashing body. I will punch the medtech if I needed to. Ilang minutong pagpupumiglas pa ay nadagdag ang mga kamay na nakahawak sa akin. There are at least four men pinning me down.

After an accident six months ago which crushed my heart, I woke up in a pitch black world. No colors. Darkness. All I can see is darkness. I lost everything. My sight, my career, my dreams. Daig ko pa ang paralisado sa aking kalagayan ngayon. Dahil immunocompromised pa ako, kailangan ko ng regular blood tests para masigurado ang estado ng katawan ko.

“This is going to hurt like hell!” Damn! Damn! Damn!

“Kanina pa po tapos ang blood extraction, Your Grumpiness,” sabi ng malambing na boses. Tapos na? Di nga? Pinakawalan ako ng mga pumipigil sa akin at dinama ko agad ang brasong kinuhanan ng dugo. Oddly enough, wala akong naramdaman ang sakit ngayon. Narinig ko ang pagpihit ng pinto. Kahit wala na siya, nanatili ang mabangong cologne nito. Damn my new hyperactive senses. Damn the girl for her delectable fragrance.  

 

Pagkalipas ng isang linggo ay nalanghap ko ulit ang pamilyar na cologne ng babaeng iyon. Kahit hindi siya nagsasalita alam kong nasa loob siya ng aking kwarto. She’s here with the most unqualified man to receive the Father of the Year award.

“I don’t need a baby sitter. She can go home now,” giit ko sa absentee father ko. Ngayon lang siya nagparamdam kung kailang wala na akong silbi sa kanya.

“Son, please be reasonable about this. Si Cutie-cutie ang may pinakamagaang kamay sa mga staff natin. “

Napaismid ako sa narinig.”Cutie-cutie? What a terrible naming sense.” Tumawa ako ng mapakla. “Your name is freakin’ ridiculous. Bakit ganyan ang pangalan mo?” I asked her, my tone dripping with disdain. Everyone calls her Cutie-cutie. She must be really cute to acquire that name.

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa. “I’m the epitome of cuteness, Your Grumpiness. Oops, how would you know? Bulag ka nga pala,” may halong panunudyo ang tinig nito.

All the snicker in my face disappeared. I was enveloped with an unholy rage. “How dare you?! I’m your Boss. You should be on your knees to me.”

“I find it – distasteful – Draven, that I would have to spend time with one such as you. Huwag mong iisipin na matatakot ako sa’yo. So do not use that condescending attitude with me,” a whip of anger seeped in her voice. In my twenty-five years of existence, this is the first time I was rendered speechless. Simula nang bitawan ni Cutie-cutie ang mga salitang iyon naging buo ang pasya ng mga magulang ko na kunin siyang companion/phlebotomist ko.  

 

“Kalalakeng tao takot sa karayom,” bubulong-bulong ni Cutie-cutie habang sinasalin ang nakuhang dugo sa isang test tube.

“What did you just say?” I -hate- her- guts! At first ko na pinapansin ang pagka-antipatika ni Cutie-cutie pero napaka-ingay niya. Pinagtatawanan niya ako kapag kinukunan niya ako ng dugo. She would usually taunt me much to my dismay. Alaskadora siya and yet her touch was so gentle. Habang tumatagal,hindi na ako kinakailangang i-restrain kapag kukuhanan ng dugo. Ayokong mapagtawanan ulit tulad ng ginagawa ni Cutie-cutie ngayon.

“What did you just say?” pag-uulit ko.

“Bulag na, bingi pa. Alam mo, Sir Draven, sayang ka. Gwapo ka pa naman. “

She nailed it. “I dare you to say that again, wench!”

“Wench, wench ka diyan. Bilyonaryo ka Sir Draven pero hindi ka yata bumibili ng cotton buds. Dies pesos lang po ang fifty pieces. Linis-linis din ng tenga pag may time, Your Grumpiness.”

“You–You–” Pabagsak kong hiniga ang aking sarili sa kama. I released an exasperated sigh. Alam kong hindi ako mananalo sa babaeng ito. “May magandang rason para sa phobia ko.” I don’t need to explain this but I need to defend myself.

“Noong college pa ako, may pinaglaruan akong babae. Isa siyang mahiyaing nerdy medtech student. Sa kanya ko pinapapagawa ang mga assignments at reports ko. Ayokong magkaroon ng girlfriend na nerd. Hindi bagay sa image ng isang heredero. I used her then dumped her in the earliest opportunity.  Natatakot akong gantihan niya ako ngayong hindi na ako nakakakita.”

“Eh yawa ka pala, Sir Draven eh! Kung ako ang babaeng niloko mo malamang nagripuhan kita!” komento ni Cutie-cutie. Tinakpan ko ang aking mga tenga nang nagsimula siyang maglitanya tungkol sa women rights.

“Blah, blah, blah. Now do you understand?”

“Na wala ka talagang puso at mapagsamantala?”

“Cutie-cutie!” Sinapo ko ang aking sintido. Ang antipatika talaga! 

“Opo! Opo, Your Grumpiness! Crystal clear.”  

 

“Your Grumpiness! Ano ba iyan?!” Sinalo ni Cutie-cutie ang wireless phone na hinagis ko mula sa gitna ng kwarto.”Babae lang iyan, Sir Draven! Malayo iyan sa bituka!”

Lalaine, my fiancee, broke our engagement. It was a huge strike on my ego. “Hindi raw siya mag-aasawa ng lalakeng bulag at walang kwenta.” I hissed. Gumagapang pa rin ang galit sa katawan ko. Gustong-gusto ko siyang dalhin sa impiyerno! I scrubbed my cold hands on my face. “On a second thought, sino nga ba ang magpapakasal sa isang taong walang kwentang tulad ko?” Tumawa ako ng pagak.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa kama ko. Maya-maya ay narinig ko ang boses ni Cutie-cutie.  “Hello, may I speak to Miss Lalaine Tan?”

She called her?!

“Oh! Ikaw pala ito. Well, I have a question for you: Do you know what “autolysis” means?” An awkward pause.. “It’s the process of cell death. The corpse may look okay but internally the organs are breaking down. Tulad mo, ma’am, maganda ka pero internally bulok na ang utak at puso mo. Always remember the word: IRAN. Ikaw rin ang nawalan. Blah, blah, blah. Ssskk..Shhkk..Chappy na po! Bye! Bye! Toot! Toot!” sabi ni Cutie-cutie sabay baba sa telepono.Pinatong niya ito sa kamay ko.

“Ayan, nakaganti ka na,” sabi niya habang hinahaplos ang nakakunot kong noo.

“Why did you do that?” I was dumbfounded. Nabuo ulit ang nawasak kong ego. Ginagawa niya ang mga pinaka-imposibleng bagay. Hindi ko talaga maintindihan ang babaeng ito.

“Because she’s a bitch!” mariing wika nito. “Kahit na kasing itim ng puwet ng kaldero ang budhi mo, hindi pa rin tama ang ginawa ng ex mo. Kung ako ang gf mo, aalagaan kita kahit pa bulag ka pa.”

♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪

If you haven’t changed your mind I want to stay by your side tonight…

♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪  

Gumuhit ang ngiti sa aking labi. My first real smile in years.”Pinasabog mo na ang eardrums ko, nagpaulan ka pa ng laway. Sabihin mo nga sa akin kung saan mo nakuha ang kantang iyan at mapa-ban ko na ng tuluyan sa mundong ibabaw. “Hindi ko inaasahang sobrang tone deaf pala ang babaeng ito.

“Hey! Orig iyon noh! Palibhasa puro mukha lang wala namang substance.”

“At least, gwapo.” Napangiti ako ulit. Narinig ko ang pagsinghap niya. 

Tumikhim siya. “Oo na gwapo ka na, your Grumpiness.”

Napabuntong-hininga ako. Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik nang matapos ang relasyon namin ni Lalaine. “Hindi ko akalaing nagpropose ako sa babaeng mas plastic pa kay Barbie.”

Napapitlag ako ng hampasin niya ang likod ko, iyong tipong nakaka-dislocate ng spinal column sa lakas. “Anong plastic? Inidoro kamo. Sir Draven ,ang inidoro hindi basta-basta natitibag  parang mukha ni Lalalaine-di.”

Tumawa ako nang malakas. I took her hand and kissed her fingertips. “Thank you, angel.”    

 

“Bakit ka pumayag na maging personal companion ko, Cutie-cutie?” tanong ko sa kanya out of the blue.

“Bored kasi ako. Siyempre malaki rin ang sweldo tapos nuknukan pa ng pogi ang alaga ko. Sino ba namang babae ang tatanggi sa kombinasyon ng kagwapuhan at kayamanan?”

Pumalatak ako. Sa tagal naming magkasama, alam ko na kung nagsisinungaling siya o hindi. “I need an honest answer, Cutie-cutie.”

“Fine! Fine! I feel needed here.” She sighed. “Hindi ako madaldal na tao. Pero kahit tahimik lang ako, alam kong magaling ako sa ginagawa ko. Halos twenty-four/seven akong magtrabaho. I love my work. Nang i-offer sa akin ng Papa mo ang trabahong ‘to, I was hesitant at first. Siyempre ayokong iwan ang trabaho ko sa ospital. I’m a laboratory asset, or so I thought. Hindi pa nga ako nag-confirm sinabi na sa akin ng mga kasama ko na: ‘Kapag nawala ka dito, hindi ka namin mamimiss kasi hindi ka naman namin close. Even when I miss them now, they’re still not missing me.’

Hinawakan ko ang kamay niya as if to comfort her.”Hindi ka pa madaldal sa lagay na iyan?”

Akala ko magagalit siya pero pinisil niya ng kamay ko.”You bring out the worst of me , Your grumpiness. You’re an airhead. Gustong-gusto kitang pasabugin. First impression ko sayo reincarnation ng demonyo. Nainspire mo ang aking inner demons magkasala.”

I chuckled. “Anyways, I’m so thankful you’re here. Ever since you’ve been here, little changes have slowly taking place. You made me happy. You rearranged my life for the better. Hindi ko nararamdaman na may kapansanan ako kapag nariyan ka. You made me feel like a normal guy. Now this normal guy beside you is falling helplessly in love with you.”

“I-I’ve been punk’d? Victim-victim ba to? Come on labas na mga cameras!” sigaw ni Cutie-cutie na may halong pagpapanic.

“I’m serious. You make me feel redeemable. You gave me hope Cutie-cutie. Pag-asang makikita ang babaeng mamahalin ko, pag-asang na matagal ng nawala bago pa ako maaksidente. Only you can fill the huge space inside my heart.” I poured my heart out. I love her. That much is true. “I love you, Cutie-cutie. Hinding-hindi kita mami-miss kasi wala akong planong pakawalan ka.” I would have given anything just to see her reaction. Pigil na hininga kong hinintay ang sasabihin niya.

“Sana.” Sana ano? Napakunot ang noo ko.

“Sana nga mahal mo ako,” dugtong niya. She doesn’t believe me. Hinaplos ko ang kanyang pisngi. Basa ito ng mga luha. Umatras siya at narinig ko ang mga yabag niya palabas. Nagpanic ako. Tumayo ako sa kama at pilit siyang sinundan. Nabangga ako sa medical cart at natumba sa sahig. Narinig ko ang papalapit na mga yabag na sinundan ng pamilyar na amoy. She came back for me.

Inalalayan niya akong tumayo. “Draven-” Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil bigla ko siyang hinalikan. Her lips taste like heaven. Nagbunyi ang aking damdamin ng suklian niya ang aking mga halik. She’s it for me. I will never let her go.  

 

“I love you, angel,” bulong ko sa tenga ni Cutie-cutie. Nakayakap ako sa kanya at nakayakap din siya sa akin. We had just made love. She finally gave herself to me. I was her first and I will definitely be her last. “I love you so much.”

“Sana.” Puro “sana” pa rin ang nire-reply niya sa akin. But I don’t really care as long as she’s here beside me. There was warmth in her embrace. She warmed my heart with her gentleness. “I have good news. Nakakita na sila ng donor para sa cornea transplant ko. Makikita na rin kita sa Pasko.”

Nanigas si Cutie-cutie. “What’s wrong angel?” Hinalikan ko ang leeg niya. Naramdaman ko ang panginginig niya.

“Baka hindi mo magustuhan ang makikita mo.”

“Don’t be silly. I see things using my hands. I saw every inch of you. There’s nothing left untouched. Mahal kita maging sino ka man.” Kinapa ko ang drawer sa tabi ng kama. Kinuha ko ang jewelry box doon. “Here, open it.” Narinig ko ang pagsinghap niya. Kinantahan ko siya habang sinusuot sa kamay niya ang bracelet na gawa na rare earth Neodymium magnets at hematite crystals. “For you, my love.”

Pinaglapit ko ang bracelet naming dalawa. Kumalas ang isang parte ng bracelet at nagdikit silang dalawa. “Sila lang ang pwedeng magdikit ng tulad nito. Parang ikaw at ako. We fit together.”

“Draven, I was alone for a long time and I felt very lonely. I was getting scared thinking that it would continue forever. I can’t bear it. Please don’t leave me,” she said with a broken voice. Alam kong umiiyak na naman siya. 

“Shhhhhh… It will always be you and no one else. I’ll be there always.” Kinintalan ko siya ulit ng halik sa labi.    

 

Halos bumigay ang katawan ko sa aking nakita. “You, you tricked me…It was you all along…” 

“Oo ako nga, Draven,” pag-amin ni Cutie–no, no… It’s her. Siya ang babaeng niloko ko noon. She’s Yana. “Let me explain, Draven–“

Pinutol ko na ang anumang sasabihin niya. “Kaya pala kahit kailan hindi mo sinabing mahal mo ako. Congratulations, Yana! Nakaganti ka na rin.” Damn, it hurts so bad! The player got played!

“Drave–“

“I don’t wanna see your face again! Get out!” sigaw ko. Hinila siya palabas ni Papa. Inalo ako ni Mama. Nang titigan ko ang kanyang mga mata, naramdaman ko ang matinding kalungkutan. I don’t know if it’s her sadness or mine. Binuksan niya ang pinto at naglakad palayo. How can I ever be whole again?

Ngayon lang ako nasaktan nang ganito. My heart is aching like crazy. Hindi nga talaga nata-traffic ang karma. This is the price I had to pay for all the ladies I preyed on. I lost my heart with a heartless woman.

Hindi ako makatulog. Tanging si Cutie-cutie lang ang laman ng panaginip ko. God, I love her. So much that it pains me. I felt empty. Dead inside. How will I ever get over her? I want my sanity back.

Pumasok ang nurse dala-dala ang tray ng gamot. Ininom ko iyon. It feels so odd without Cutie-cutie. Siya ang nagpapainom sa akin ng gamot dati. Sinubukan kong lunukin ang tableta pero bigla kong nailuwa iyon.

I can’t live without her. Akala ko sinira ako ng pagmamahal ko sa kanya. My love for her made me whole and kept me sane in darkness of my world. I will have her whether she likes it or not. She’s mine. I will marry her and I will not take “no” as an answer.

“My God!” Napalingon ako sa nurse. May kinuha siya kanyang bulsa at binigay sa akin ang isang sobre. “I’m sorry, Sir Draven nakalimutan ko pong ibigay kaninang umaga!”

Dali-dali kong binuksan ang sobre. Binasa ko ang note.

Meet me in the hospital greenhouse. 7PM. I’ll be there… -Yana

PS: Inabot na ng kalahating dekada ang pagmamahal ko sa’yo at walang nagbago doon. I will always love you, Draven Vantilla. 

She – loves – me. Nang ibaba ko sa kama ang sulat ay may nahulog mula sa sobre. Pinulot ko iyon. Nanlaki ang aking mga mata. Tiningnan ko ang orasan. Alas onse na ng gabi!

Hindi na ako nag-abalang magbihis. Tumakbo ako papuntang greenhouse dala-dala ang katibayan ng aming pagmamahalan. “Positive Pregnancy test kit. Dear Lord… Magkakaanak na kami.”

Pumatak ang mga mainit na luha mula sa aking mga mata nang maalala ko ang sobrang lungkot sa mata ni Yana. Para siyang iiyak sa sakit nang ipagtabuyan ko siya palayo. I need to see her. Handa na akong ngumiti, magmahal at masaktan ulit. I love her. She’s my life, my dream, my sanity. Hindi matatawag na buhay ang buhay ko kung wala siya.

I reached for the door and when I opened it, she’s no longer there…  

Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ

Dr. Irish Ong’s POV: Present day…

Nagpumiglas si Draven mula sa trance state na kinalagyan ko sa kanya. Tiningnan niya ang orasan. “7PM..Hinihintay na niya ako…”

Nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at umupo sa bench sa tabi ng mga hydrangea. “I’m here. Yana, I’m here. Listen to my voice, angel.”

♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Memories of our time together

It pains me so much, I’m missing you

Its so hard to say I’m sorry

♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Nakamasid lang ako sa kanya habang kumakanta si Draven. Paulit-ulit lang ang kanta. He loves her so much.

Nabigla ako nang makita ko ang pagbagsak ng katawan ni Draven. Tinakbo ang distansya namin at nahintakutan ako nang makita ko ang lalakeng may dala-dalang patalim. 

“Ikaw ang dahilan kung bakit hindi siya umaalis!” sigaw ng lalake. “Nang dahil sa’yo hindi siya makaalis!” Tinaas niya ang patalim at binaon iyon sa binti ni Draven. “Gabi-gabi siyang nasa panaginip ko! Ikaw ang may kasalanan!”

Buong lakas kong tinulak ang lalake palayo. May tama si Draven! Binigkisan ko ng shawl ang binti nito para tumigil ang pagdurugo.

“Siya ba ang pinalit mo kay Yana?! “tanong ng lalake sabay turo sa akin. Bumunot ito ng baril. “Dapat rin kitang patayin kung ganoon!”

“Nasaan si Yana?!” sigaw ni Draven. “Give her back to me!”

“Binura ko siya sa mundo para makaganti sa’yo. Kailangan ko siyang patayin para makaganti. Laking tuwa ko nang malaman kong buntis siya. Kahit alas dies na ng gabi, hinintay ka pa rin niya. Nagmakaawa siya, Draven!” Mala-demonyo ang tawa nito. “Nasagasaan mo ang kapatid ko nang maaksidente ka. Hindi ako mabigyan ng hustisya dahil nasa kamay niyong mga mayayaman ang batas! Ngayon mamamatay ka na rin! Pero uunahin ko ang babaeng iyan!”

Napapikit ako nang itutok niya sa akin ang baril. Napasigaw ako nang marinig ko ang pagputok nito. 

Pagdilat ko ay nakita kong nakikipagbuno si Draven sa lalake. Dahil may tama ng saksak si Draven, wala siyang nagawa nang tinulak siya ng lalake papunta sa mayabong na mga halaman ng hydrangea at spider lilies.

Tinutok niya ulit ang baril kay Draven at pinutok ito. Hinarang ko ang aking katawan para kay Draven. Napasigaw ako nang matamaan ako sa balikat. Naramdaman ko ang mainit na likido sa aking balikat. Halos bumagsak ako sa hapdi.

Pumailanlang ulit ang isang malakas na putok ng baril. Isa iyong warning shot. Napapaligiran kami ng mga armadong bodyguards ng pamilya Vantilla.  

Nagpanic na ang lalake. Batid niyang wala na siyang kawala. Napapalibutan na siya. Tinutok niya ang baril sa kanyang sintido at kinalabit ang gatilyo. Bumagsak siya nang walang buhay sa lupa.

Kahit parang mapapanawan na ako ng ulirat ay dali-dali kong dinaluhan si Draven sa masukal na halamanan. Then, I heard a soft click.

“You were so brave to be alone for so long, Cutie-cutie…” He’s lying on the ground, holding a skeleton hand . Magkadikit ang and mga pulseras nila. It was Yana’s remains. Napaluhod ako. 

“Open your eyes, baby. Nandito na ako. Hindi na kita iiwan. We’ll be together once again. We’ll have a happy family. You, me, and our baby will be happy together. I love you,” puno ng pananabik ang boses nito. Kinintalan niya ng halik ang dulo ng mga daliri nito.

Draven was sitting on the pool of his blood. May gunshot wound ito sa dibdib pero hindi niya iyon inalintana. Tila wala siyang nararamdaman.

Tinangka kong itayo si Draven pero tinulak niya ako. “Stop! Stop! Masasaktan si Cutie-cutie!”

“She’s gone.”

“No! No! She’s here with me. Right, angel? Let’s go, angel.” He gave a gentle tug to her fragile fingers. It was all it takes to sever the hand from its arm.Napasinghap si Draven.  “A–angel?” The bones of her hand fell into pieces, just like the pieces of his broken heart. Nag-umpisa na ang pag-agos ng mga luha nito. 

“Let her go,” hinawakan ko ang naka-estatwa niyang kamay. Tinangka kong pigilan ang pagdurugo ng dibdib nito habang iniinda ang aking sugatang balikat.

Bakas na ang sakit sa mukha nito. Sunod-sunod ang kanyang pag-iling. “No! No! No!” He dropped his head to the ground and roared to the heavens. “Yana!”  

Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ Ψ

Isang linggo na ang nakakaraan nang mangyari ang gulo sa greenhouse. Isang linggo na ring sumakabilang buhay si Draven. Ang balang tumama sa balikat ko ay tumagos at tumama sa dibdib ni Draven. Maraming dugo rin ang nawala sa kanya. His heart gave out during the operation.

Dala-dala ang isang malaking bouquet ng hydrangea at spider lilies ay pumasok ako sa St. John of the Cross Memorial Chapel. Pumainlanlang ang theme song ng dalawa. Halos mabitiwan ko ang mga bulaklak sa aking nakita. Nilapitan ko ang malaking kabaong na kinalalagakan ng mga labi nina Draven at Yana.

“Sino siya?” tanong ko sa organizer sabay turo sa malaking larawan.

“Breeanna Alcaraz, si Cutie-cutie ni Draven.” Sa pagkakataong iyon, nabitiwan ko na talaga ang mga bulaklak. “Bree” plus “Yana” equals Breeanna. Ang babaeng nasa litrato ang medtech na nakita ko sa greenhouse.

Napalingon ako sa entrance ng chapel. Napaluha ako sa nakita. Sina Draven at Yana… Yana mouthed “thank you” in my direction. Draven tilted her head and kissed her then all  I could see of them was blazing light, and then that too was gone.

She never left Draven after all.

Copyright. cambrielle. All rights reserved.

___________________________________________________________

ABOUT THE AUTHOR: Cambrielle is a Medical Technologist who has a passion for writing. Since the early 2000s, she has devoted much of her time writing articles and stories for the school newspaper and magazine. She is the author of the Medical Laboratory Scientists Series, Kieran: The Rouge Celestial Fox and 5 others on Wattpad. You can also find her at her facebook page: Cambrielle WP

2 thoughts on “I’ll Be There by Cambrielle”

  1. Thank you po!!!!

    Liked by 1 person

  2. Congratulations, Author Cambrielle!

    Liked by 1 person

Leave a reply to Admin Cancel reply