Cygnus Enchantment by Cambrielle

 They Sing It, You Write It – One Shot Story Making Contest: SEASON 2 – ROUND 6, SECOND PLACER, GRAND WINNER

The following story is inspired by the song Breakeven by The Script

 

CYGNUS ENCHANTMENT

by Cambrielle

 

There are days where I’d rather stab my heart than go on living. I didn’t know this much pain was possible. Anything is better than the pain of losing you. I hate this and I beg God everyday to take my life and give it to someone who would appreciate it.

‘Quintin Cygnus, the once elegant, pure soul adept in love and kindness is tainted…’

Nagtakip ng tainga si Quintin. Paulit-ulit na umuugong sa kanyang isipan ang mga huling salita ni Garai, ang pinuno ng mga sumasamba sa diyosang si Ammit, the devourer of souls.

‘The king of the Swan Stronghold Eala is tainted… Pure soul drenched in blood… Forever tainted…’

Nandilim ang paningin ni Quintin. Binalikan niya ang bangkay ng kalahating tao, kalahating reptilya. He wrenched its crocodile head from its miserable shoulders.

He knew deep inside that there’s no going back. Once a killer, always a killer. He’s tainted for life. He sacrificed the purity of his soul to grab his chance for happiness. There’s a large hole in his heart that no one of his past lovers managed to fill. He never understood his never-ending ache. When he thought he finally found stability and happiness, it was always taken away from him. He can’t comprehend the source of his misery until he found her.

Medea, his chosen mate, his happiness.  

Ngunit pati si Medea ay ipinagkait sa kanya. Sinumpa siya ilang siglo na ang nakakaraan. Hindi niya alam ang kabuuan ng sumpa. Ang tanging alam niya lang ay matatagpuan niya ang babaeng para sa kanya ngunit kahit kailan ay hindi ito mapapasakanya. Ngayon, kinailangan niya pang patayin ang mga soul eaters at kunin ang pinakainiingatan nitong espada, ang Spioradail, upang maputol ang sumpa. Ito ang hinihinging kapalit ng salamangkerang nagsumpa sa kanya.

Kinuha niya mula sa itaas ng dais ang Spioradail. Pinagmasdan niya ang itim na espada na ipinagpalit niya sa dalisay niyang kaluluwa. Ito ang susi sa kanyang kalayaan at kaligayahan.

He shifted into his swan form, shove down his legs, swooped his great wings and shot into the sky.

 

“Paano ako makakasigurong tutuparin mo ang ating napagkasunduan, Grania?” tanong ni Quintin sa salamangkerang nagsumpa sa kanya. Napilitan siyang takpan ang kanyang ilong. Hindi niya maipaliwanang kung ano ang nalanghap niyang amoy. Amoy ng sunog na laman, iyon ang amoy na nalanghap niya, amoy na nanggagaling kay Grania.

Her wings arched out from her back. They were in a very, very bad shape-tattered and ragged and revoltingly soiled, practically caked with dirt. Nothing like the white wings of the Swan people.

“Tumutupad ako sa aking mga pangako, Mahal na Haring Cygnus,” tila naiinsultong tugon ni Grania. “Puwera na lang sa isa…” dugtong pa nito.

“Puwera sa isa?” tanong ni Quintin. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa Spioradail. Niloloko lang ba siya ng baliw na salamangkerang ito?

“Akin na ang espada, Cygnus,” utos ni Grania na mukhang sabik na sabik nang kunin ang sinaunang espada.

“Saan mo ba ito gagamitin?” tanong ni Quintin. “Bakit mo hinihiling na mapasakamay ang antigong espadang ito?

Ang kulay lilang mga mata nito ay binalot ng kadiliman sa narining. “Ang Spioradail ang espadang hindi lang kumikitil sa katawang pisikal ng mga nilalang. Pinapatay nito pati ang kaluluwa ng matatarakan nito.”

Ito ang Spirit Breaker, ang espada na tanging sa mitolohiya niya lang naririnig. “At sa tingin mo ba ibibigay ko sa’yo ang relic na ito matapos kong malaman ang kaya nitong gawin?”

“Ikaw ang bahala, Quintin Cygnus.” Dumagundong ang kalangitan. Narinig ni Quintin ang pagtunog ng mga baling buto mula sa mga pakpak ni Grania nang ibuka niya iyon. Tumayo ang mga balahibo ni Quintin.”Ang espada o ang kalayaan mo?”

Nagtalo ang puso’t isipan ni Quintin. Ang espada o ang kalayaan niya? Kung anuman ang misyong sinasabi ni Grania tiyak niyang may bagong masasaktan na naman. Magkasing-itim ang pakpak at budhi nito. Pero abot-kamay na niya ang kanyang kalayaan. Kaya niya bang ipagpalit iyon para sa taong hindi naman niya kilala?

‘I tainted my soul for the sake of my happiness. I don’t care about anything else,’ sabi nito sa sarili. “Tuparin mo ang iyong pangako at ibibigay ko sa’yo ang Spioradail.”

“Taimtim akong nangangako sa ngalan ng aking mga ninuno na tatanggalin ko ang pinataw kong sumpa kapalit ng Spioradail.” A vow never to be broken.

Hinagis ni Quintin ang espada patungo sa kinaroroonan ni Grania. “Ang iyong pangako….”

“Tutuparin ko iyon, Quintin,” huling tugon ni Grania. Pinagmasdan ni Quintin ang paglipad nito papunta sa Talampas ng Corr, ang Crane Citadel.

 

Nilapag ni Quintin ang kanyang mga paa sa malalaking biyak na bato sa madilim na bahagi ng batis. He spread his wings and shed his feathers turning himself into a man. He kept his feather coat in one of his air pockets. Kailangan niya itong itago dahil sa oras na mapasakamay ito ng iba, pwede siyang gawing alipin nito.

‘I will be freed from my curse tonight. I will not bind myself to another nightmare.’

Tinanggal niya ang natuyong balat ng reptilya na nakasabit sa kanyang balikat. At ang kanyang robang balot ng dugo. Hinagis niya ito sa isang bahagi ng halamanan at sa isang kumpas ng kanyang daliri ay nagliyab ito. Tumingala siya sa langit at hinayaang halikan ng liwanag ng buwan ang kanyang kahubdan.

He imagined what it would be like to be freed from the curse. He will ask Medea’s hand for marriage. He will show her how proud he is to be by her side. He will always hear her laughter for her voice is more lovely and sublime than the voice of a nightingale. Only then he realized that he was not imagining her laughter anymore. His eyes shot open and searched for Medea’s location.

He found her in the arms of another man in the middle of the lake. They were kissing. Sumalsal ang kanyang puso sa kanyang nasaksihan. Isang buwan pa lamang mula nang sila’y nagkahiwalay at nakakita na si Medea ng ipapalit sa kanya. It hurts to see how well she is doing without him. Seeing that moment is his personal hell.

‘I tainted my soul only to be broken by her.’

Animo’y may daan-daang aspile na bumaon sa kanyang ulo. Napasigaw si Quintin. Hindi panandalian ang sakit na iyon, ito ay nakakangilo at nakakapangilabot. Pakiramdam niya mababaliw siya sa sakit hanggang sa madama niya ang tila pagkabasag ng kalasag sa pumapalibot sa kanyang isipan. Nakita niya ang bitak ng kanyang mga alaala.

Sa pangalawang pagkakataon sa gabing iyon ay napatingala siya sa kalangitan at lumabas ang isang basag na hikbi mula sa kanyang lalamunan. Tumulo ang kanyang mga luha.

‘I’m free and yet nothing can stop the bleeding… No magic words will cure everything…’

Tumakbo siya nang tumakbo. ‘Wala na ang sumpa. Wala na… She… She… ‘

He ran straight to the highest cliff, jumped and crashed on the train tracks without using his formidable wings.

 

 ***

Patuloy ang pag-agos ng mga luha ni Maeve, hindi dahil sa awa kay Haring Quintin sa pelikulang kanyang pinapanood. Umiiyak siya dahil sa awa sa kanyang sarili. She’s wearing her supposed-to-be wedding dress in the red carpet premiere gala night of his ex-fiance’s film. Si Marcus ang director ng pelikulang Cygnus Enchantment.

Wala na ang konsentrasiyon ni Maeve sa kanyang pinapanood. Mula sa kanyang kinauupuan ay natatanaw niya ang sweet na sweet na paglalampungan ni Marcus at ng dati nilang wedding planner na si Carla.

“Miss, are you okay?” untag sa kanya ng kanyang katabi.

“I had him. We were like the perfect romance movie together. We’re supposed to get married three weeks ago. Suddenly he told me that he doesn’t have feelings for me anymore. He said that all these four years it was real love, but now it was gone,” she said between sobs.

“No amount of tears and desperation could bring him back to me. I wanted to settle, he wanted to roam. I stay, he leaves. When we break we didn’t break even. I’m in this miserable state alone, waiting for his return.”

“Don’t make a scene here, miss. Ano ka ba, formal gathering ito,” naalarmang sabi ng katabi niya. Alam rin niyang nagkalat na ang mascara at makeup niya pero hindi iyon napatigil ang kanyang pagluha. Tumayo si Maeve at tumapak sa red carpet. Napalingon ang mga tao nang marinig ang kanyang pag-iyak.

Nakita ni Maeve ang pagtayo nina Marcus at Carla. Bumuka-sara ang mga labi nito sa pagkabigla. Umiling si Marcus at nagmamadaling pumunta sa kinaroroonan niya.

Hinawakan siya ni Marcus sa magkabilang balikat. “Let’s go somewhere private. Gala night ito ng pelikula ko. Please, huwag mong sirain pa, Maeve.”

“Maeve? You used to call me Honey. Hindi ka man lang ba magbibigay ng compliment sa akin, Hon? You should compliment your bride in her wedding dress,” bulong ni Maeve habang hinahaplos ang gwapong mukha ng dating nobyo.

“We were over. Napag-usapan na natin ito di ba?” Puno ng pagsusumamo ang mga mata ni Marcus habang pilit na pinapaalis si Maeve. “Come on Maeve, let’s go.”

“I’d rather waste my entire lifetime pretending this never happened than forget you, Marcus.”

“Maeve, hindi ko sinasadyang mahulog sa iba. I don’t love you anymore.”

“Alam ko. Alam ko. I want to blame it on you, but I can’t. How can I? Alam kong hindi mo sinasadya. Alam kong hindi mo kasalanan. Mahirap lang tanggapin sa akin iyon. It feels unfair when the persons who broke my heart get everything they want while I lose everything. I’m falling into pieces.”

Nabahiran din ng sakit ang mga mata ni Marcus, ang mga matang dating nagmamahal sa kanya. “I’m sorry for hurting you but I can’t, no, I won’t regret what I did for love, Maeve. Let’s just say that when we fell apart, we didn’t breakeven.”

Mortification consumed Maeve, chomping her pride into little pieces before spitting out the remains. For a moment she felt as if spiders were crawling over her skin, and she scratched her exposed arms. Naibalik niya ulit ang focus sa paligid. Nahinto ang pag-play sa pelikula. Nakatayo rin ang ibang spectators. Kinukunan sila ng mga litrato ng mga paparazzi. Umiiyak sa likuran ni Marcus si Carla.

Parang binuhusan siya ng malamig na tubig. Nahimasmasan siya. ‘They must have loved each other so much that he’s willing to sacrifice me, his lover and best friend.’

“I’m sorry. I’m sorry.” Binitiwan ni Maeve si Marcus na agad namang yumakap sa bago nitong nobya. With the last reservoir of strength, she ran away.

 

Maeve awoke with a jolt and moaned. God, she ached. She’s weak, drained. Too much crying, she suspected. Had happened before, and would probably happen again. When she opened her eyelids, the world around her became blurry and out of focus. Then, she realized she was not on a bed.

“Na-Nasaan ako?” Unti-unting niyang na-focus ang paligid. Nasa loob siya ng movie theatre. Suot niya pa rin ang wedding gown niya. Ang huling bagay na naaalala niya ay ang pagtakbo niya palabas ng theatre.

Napapitlag si Maeve nang makarinig siya ng kaluskos tatlong benches mula sa taas. Nakita niya ang isang lalake. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya.  Pinagmasdan niya lang ang paglapit ng bultong iyon. Akmang hahawakan siya ng lalake nang sumigaw siya sa takot. “Bitiwan mo ako! Hindi mo ako pwedeng gahasain dahil may limang anak na ako! Laspag na ako kaya umalis ka na lang!” pagsisinungaling niya.

“Still a terrible liar, walang pinagbago,” nanunuyang tugon ng lalake. “Hinimatay ka sa fire exit habang nagmamadaling lumabas ng theatre house na ‘to.”

“Sino ka?” tanong ulit ni Maeve. “Don’t come near me! Ipapa-pulis talaga kita!”

Hindi siya pinansin nito. He spread out his arms and said, “You ruined the premiere night of my film. Ang tanging maaalala na lang ng mga tao ngayon ay ang eskandalosang babae na nagmakaawa habang pinapalabas ang aking pelikula. All thanks to you, bitter bride.”

Humakbang pababa si Maeve. Ang hula niya, producer ng Cygnus Enchanment ang lalakeng ito. “I’m sorry. Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko lang napigilan ang aking sarili. Kung ikaw ang nasa lugar ko, malamang hindi mo rin–”

“Silence!” sigaw ng lalake. “Sit down and watch the film until the end.”

Nagsalubong ang dalawang kilay ni Maeve. Masamang-masama ang loob niya tapos sisigawan lang siya ng lalakeng ito? Puwes, wala siyang pakialam kung sinong Pontio Pilato man ang kaharap niya. Never argue with a broken hearted woman.

“No! Why should I?! Alam ko na ang mangyayari sa istoryang iyan. Love will prevail! Love will endure!” She laughed bitterly. “Kayo! Kayo ang may kasalanan kung bakit umaasa sa happy ending ang mga tao! Flash news! Walang happy endings sa tunay na buhay! There is no way for everyone to be happy! ” Habol ang hininga ni Maeve habang sinisigawan ang lalake sa harapan niya.

“Such a bit–”

“Bitter? Ako? Oo, bitter nga ako. Hindi ka kasi niloko. Hindi ka pinaglaruan. Hindi ka pinagmukhang tanga. Hindi ka iniwan. Hindi ka nasaktan. Hindi ka–”

Naputol lahat ng mga sasabihin pa ni Maeve nang bigla siyang hapitin sa beywang ng lalake. ” I have my own share of misery. Believe me, I know.” Naestatwa si Maeve. “Do you hate me? Do you blame me for what happened?” tanong nito sa kanya.

“What are you talking about?” Pilit niyang nilalayo ang kanyang katawan sa lalake pero lalong humihigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. He’s crazy, a delusional lunatic. “Masyado ka yatang na-carried away. Kuya, nagkamali ka ng babaeng kinuha. Hindi kita kilala. Please bitiwa–”

“I hate myself. I blame myself,” anas ng lalake. “I was left alone with nothing but memories and pain. If I had been stronger… If I had protected you better…”

“Anong klaseng biro ito? Kung nagbibiro ka, please lang tigilan mo na. Natatakot na ako.” Kabadong-kabado siya sapagkat nadarama niyang may nangyayaring hindi niya alam kung kaya niyang tanggapin.

“There are days where I’d rather stab my heart than go on living. I didn’t know this much pain was possible. Anything is better than the pain of losing you. I hate this and I beg God everyday to take my life and give it to someone who would appreciate it.”

Maeve’s heart ached upon hearing the sweet timbre of his voice. “Please forgive me.” There was so much pain and suffering in his voice, tears burned in Maeve’s eyes.

Nagsimulang humakbang paatras ang lalake. Nakita niya na rin sa wakas ang mukha nito. He was a handsome young man. Lean, tall and fair-skinned. Mamula-mula ang kutis ng lalake. He have deep set, vibrant green eyes. His eyes seemed full of wisdom and authority. No one else had eyes like his. There was a hint of a man possessed by dark passion.

Ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang paligid. Kinailangan niyang takpan ang kanyang mga mata. Gimbal na gimbal siya nang imulat niya ang kanyang mga mata. The man… turned into a beautiful, regal swan. Anong tili ni Maeve. Gumapang ang kilabot sa buong sistema niya. “W-what are you?”

In a blink of an eye, he shed his feathers and turned into his human form. Sa puntong iyon ay hindi na makatili si Maeve kundi napatulala na lang.

“The better questions would be, who am I and who are you?” sambit ng lalake.

“Well, I’m… I’m Maeve. I’m just… me.”

“You lie. Naging hobby mo na ang pagsisinungaling. Nakuha mo akong lokohin noon pero hindi na ngayon.” Hinaklit ng binata ang braso ni Maeve. “I’m the Cygnus king, and you are my lifemate.

“B-baliw ka…”

“I’m not crazy!” asik ng binata. “Ano ang huling eksenang napanood mo sa pelikula?”

“When the king jumped in front of the train…”

“Do you know why I jumped?”

“Dahil niloko ka ni Medea?”

“Incorrect. Tumalon ako dahil pinatay mo ang sarili mo. Ginamit mo ang Spioradail upang patayin ang iyong kaluluwa para makawala ako sa sumpa na ipinataw sa ating dalawa. I realized my mistakes when you died, Grania. Bumalik ang mga alaala ko ng bawian ka ng buhay. Nakita ko ang lahat. You sacrificed your body to save me before we were cursed, eons ago. You got burned for me. You were scarred for life because of me.

“Then, we were cursed to become star-crossed lovers. My love for you will remain and endure but I will never understand why. I will never remember you while you have to live with all the memories we shared. After that, my love for you was misplaced to another.  My love for you was buried under the curse. Every time I was near you, I smelled burnt flesh. I couldn’t figure out why. Then you made the ultimate surrender, you gave up your soul for my freedom, for me to find happiness in another woman. You chose to die for me. I tried to follow you by jumping in front of the train but it was all in vain.

“It seemed that the agony of my shattered bones and pulverized organs was still incomparable to the pain of your passing. My Cygnus blood healed my broken body but it never cured the broken man I had become. When our hearts break, it didn’t break even.” A single tear dropped from his sorrowful eyes, making his vibrant green eyes into polished emeralds.

“Pagkalipas ng ilang taon ng paghahanap ng paraan upang makasama ka, nalaman ko ang tunay na kakayahan ng Spioradail mula sa taong gumawa nito. Hindi ito pumapatay ng kaluluwa. Kung sino man ang nagpalaganap ng maling impormasyon ay wala akong alam. Spioradail means spirit. Hiniwalay lang nito ang iyong kaluluwa at ginawa kang mortal. It guided you to the cycle of reincarnation.”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Quintin sa braso niya. He shook her. “Alam mo ba kung gaano ko katagal hinintay ang pagbabalik mo? Ilang siglo rin ang tiniis ko na wala ka. Tapos nang masilayan kitang muli ay umiibig ka na sa iba. I was crippled by my jealousy and wrote the entire film hoping you will remember everything. Pero hindi nangyari iyon. Nandito ka nga kanina pero iba naman ang pinapanood mo. Naranasan ko na rin ang naramdaman mo noong panahong papalit-palit ako ng babae. Gabi-gabi kitang pinagmamasdan. Gabi-gabi ko ring natutunghayan ang pagluha mo. I want to murder that bastard for hurting you. He broke your precious heart, the precious heart I should have protected eons ago. ”

Naglakbay ang mga kamay nito at hinawakan ang kanyang leeg. Hindi na siya na nakagalaw ng halikan siya nito. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso. A muffled cry escaped from Maeve’s lips. She was drowned in the sudden surge of memories and emotions. Unti-unti ang pagdating niyon at ngayong buo na ang impormasyon at ganap na niyang nasakop iyon, ay nais niyang magwala. Labis-labis ang impormasyon, parang hindi niya matanggap.

Naalala niya ang sakit ng pagkalapnos ng kanyang balat at mga pakpak nang harangin niya ang apoy na dapat ay para kay Quintin. Tila sariwa pa ang pait na dinanas niya nang makalimutan siya nito. She felt the pain of his rejection every time he’d push her away. Nakita niya ang unti-unting pagkagunaw ng kanyang mundo nang pinalabas niyang siya ang salamangkerang sumumpa. Anong sakit ang naramdaman niya nang makita ang desperasyon ni Quintin na kumawala sa kanya.

‘God, the pain. I can’t bear it.’

Napaluhod siya nang dumating ang kanyang huling alaala. Pumunta siya sa Corr upang paslangin ang sarili. Handa siyang isakripisyo ang lahat. Lahat para sa kanyang pinakamamahal.

“Shit ka talaga Quintin! Shit ka!” singhal ni Maeve sa lalake. Lumuwang ang pagkakayakap nito sa kanya dahil sa pagkabigla.

“Naalala mo na?” pigil-hiningang tanong ni Quintin.

“Oo. In short, letse ka, Quintin!”

“Oh, Grania.” Napayuko si Quintin. Narinig niya ang pagsinghap-singhap nito. Idiniin nito ang kamay sa mga mata. Inihilamos nito sa mukha ang kamay.

Binuksan nito ang isa sa mga air pockets nito. Kinuha nito ang feather coat at nilahad sa kanya. “I’m the Cygnus King. I swore never to be bound again. Now, I’m offering my feather coat to you. Do you know why? Because there is no other I would bind myself for. For you are Grania, my mate. I, the king of the Swan people, is willing to be enslaved as the proof of my never-ending affection and devotion.”

Matagal na nanatiling nakatitig lang si Maeve kay Quintin, halos hindi makapaniwala sa narinig niya. “P-pero bakit pa? Marami namang mas nakakalamang sa akin. Di ba may Medea ka na?”

“Medea was my chosen mate. You, my love, are my lifemate. There’s a difference.” Hinaplos niya ulit ang mga pisngi ni Maeve. “It’s you. You are my one and only. My forever. I love you. ”

Namasa ang mga mata ni Maeve sa deklarasyon nito. Tinaggap nito ang coat nito at niyakap nang mahigpit. “Mahal mo ba talaga ako?”

“I love you with all of my heart. Saan ka makakakita ng lalakeng mas gugustuhing magpapatapak sa tren kaysa mabuhay nang wala ka?” He kissed her again. ” Ang importante ay magkakasama na tayong muli. You’re mine.”

“Sinong nagsabi sa’yo?”

“W-what?”

Pabirong sinuntok ni Maeve ang dibdib ni Quintin. “Joke lang.”

“Oh God, I missed you so much! “Hinalikan ni Quintin ang mga labi ni Maeve. Mas matagal, mas malalim.

“Paano mo ako nakilala? Magkasing-pangit ba kami ng dati kong anyo?” tanong ni Maeve habang hinahabol ang kanyang hininga.

“Mas mukha kang drowned Panda ngayon kaysa mangkukulam,” nakangiting sabi nito.

Nanlaki ang mga mata ni Maeve. Binigyan siya nito ng isang hand mirror at nabigla siya sa nakita. Tila may malalaki siyang black eyes dahil sa nagkalat na mascara. Para siyang Panda na binugbog ng sampung demonyo.

“I don’t care what you look like. Mamahalin pa rin kita kahit pasabugin mo pa ang buong kontinente.”

Sweet. “Anong plano mo ngayon?”

“Strip out of your gown, mate. I hate it,” the king demanded.

“Happily, your Highness.” As she stepped out of her wedding gown, she realized that love she’d always felt for Marcus was not there. Her love for Marcus was simply gone. Poof… gone as if it never existed. It was a silly infatuation after all.

Pagkatanggal ng gown ay kinuha agad ito ni Quintin at sinunog iyon. “You don’t need it anymore. Pagagawan kita ng daan-daang gowns, pangako iyan,” sabi nito habang hinahaplos ang nakalantad na balat ni Maeve.

“I love you, Quintin. Kinapa ko ulit ang puso ko para hanapin ang pag-ibig ko para kay Marcus. Ngayong nandito ka na, natauhan na ako sa kung ano ba talaga ang damdamin ko para sa kanya. Ang sakit na naramdaman ko ay panghihinayang sa pagkawala ng best friend ko.” Namula ang mga pisngi niya nang maalala ang nangyaring eskandalo kanina. Nakakahiya.

Inalalayan siya ni Quintin papunta sa malaking balkonahe ng bulwagan. Muling nanlaki ang mga mata niya nang magpalit anyo ito. Inudyok siya nitong sumakay sa likuran nito. Napakapit siya sa leeg nito nang magsimulang lumipad na sila sa ere.

Nang nasa taas na sila ng mga ulap ay binuka ni Maeve ang kanyang mga kamay. “I’m the Queen of the world!”

Quintin snorted. “No, you’re the queen of my heart. You’re mine. Nagseselos ako sa world na iyan.”

Kinurot ni Maeve ang kilikili ni Quintin. “Possessive King of Swans.”

“King of your heart, if you may.”

“Yes, you’re the king of my–HEART!” Napatili si Maeve nang bumalik sa taong anyo si Quintin at bumulusok sila mula sa kalangitan.

Akala ni Maeve ay mamamatay na siya pero bumagsak siya sa isang malambot at malaking kama gawa sa balahibo. Hindi na niya nagawang makabangon nang pangibabawan siya ni Quintin.

“My mate in my bed, right where she belong,” puno ng pagnanasang sabi ni Quintin.

Hinaplos ni Maeve ang mukha nito. “Claim me, I’m yours.”

“Mine.” Then, he gave her a claiming kiss. “Forever mine.”

Copyright. Cambrielle. All Rights Reserved.

___________________________________________________________
ABOUT THE AUTHOR: Cambrielle is a Medical Technologist who has a passion for writing. Since the early 2000s, she has devoted much of her time writing articles and stories for the school newspaper and magazine. She is the author of the Medical Laboratory Scientists Series, Kieran: The Rouge Celestial Fox and 5 others on Wattpad. You can also find her at her facebook page: Cambrielle WP

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s