My Twisted Fairytale by Cambrielle

They Sing It, You Write It – One Shot Story Making Contest: SEASON 1- ROUND 2, SECOND PLACER, GRAND WINNER

 

The following story is inspired by the song For the First Time by Kenny Loggins

 

My Twisted Fairytale
by Cambrielle

True love exists even in the youngest of hearts.

 

“Emmaline, will you marry me?” Nakaluhod ako sa harapan ng babaeng tinitibok ng aking puso.

Napasinghap siya nang makita niya ang diamond engagement ring sa mga palad ko. “Andrei…” Naluha siya. Matutupad na rin ang pinapangarap naming happily ever after. She’s my Snow White and I am her Prince Charming.

“Andre–” Hindi na nakasagot si Emmaline nang may biglang dumating na babae, ang babaeng pinakaayaw kong makita.

“I believe you are asking the wrong woman, Andrei Declan Daciano. Dalawang buwan na akong buntis at ikaw ang ama.”

Napabalikwas ako ng bangon. Umaga na pala. Binangungot na naman ako. Napanaginipan ko ulit ang simula ng pagkawasak ng aking buhay. Napalingon ako sa bedside table ko. Kinuha ko ang larawan namin ng aking prinsesa. Marahan kong hinaplos ang kanyang mukha. Naalala ko ang una naming pagkikita…

***

Natigilan ako nang marinig ko ang kantang iyon. Pinatay ko agad ang mini-casette recorder ni Mama. Hindi ko na pinatapos ang kantang “For the First Time”. Punong-puno kasi ng kasinungaling ang awiting iyan. Kasinungalingang ikinamatay ng Mama ko.

“Hintayin mo lang ako, Mama. Magkakasama na tayong muli.”

Inakyat ko ang ang mataas na barrier ng roof top. Hindi pa ako nakatawid sa kabilang dako nang may narinig akong malakas na tili.

“Hoy bata! Bumababa ka nga diyan!” sigaw ng isang napakaputing batang babae. Mahaba ang kanyang itim na buhok. Kulay rosas ang kanyang mga labi na kasingkulay ng kanyang pulang bestida. Punong-puno ng pag-aalala para sa akin ang kanyang abuhing mga mata.

“Leave me alone!” Wala nang makakapigil pa sa gagawin ko. Buo na ang aking pasyang sundan sa kabilang buhay si Mama. “Stay away from me, little girl!” I had chosen death. I had prepared myself. I was contented with my decision-embraced my choice.

“Hindi kita pwedeng hayaang mamatay! Napakaraming kamatayan ang nasaksihan ko sa araw na ito. Huwag ka ng dumagdag!” Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nilahad ng batang babae ang kanyang kanang kamay. “Halika na, Kuya.” Pinilit niyang inaabot ang aking kamay. “Napag-uusapan naman ang lahat ng bagay eh. Hindi naman tayo binibigyan ng problema ng Diyos kung hindi natin kaya.”

Nanlaki ang kanyang mga mata nang tabigin ko ang kanyang kamay. “Hindi mo naiintindihan! Ano ba ang alam ng pakialamerang batang katulad mo?! Wala na ang Mama ko! Patay na siya! Patay na siya! Hindi siya babalik pa! Wala ng natitira para sa akin dito! Umalis ka na at pabayaan mo na ako!” Walang makakapigil pa sa akin. Hindi ako magpapapigil sa batang paslit na ito.

Nang hindi niya maabot aking kamay, hinila niya na lang ang dulo ng aking damit. Nginitian niya ako. “Hindi lang naman ikaw ang nagdurusa. Namatay ang Mommy ko ng ipinanganak niya ako. Sampung minuto na ring patay ang Daddy ko. Sabi sa akin Daddy kapag nagpakabait daw ako dito sa lupa, magkikita daw kami ulit sa langit. Magkakasama kami ulit. Kapag nagpakamatay ka ngayon, hindi mo na makikita ang Mama mo sa langit. Diretso ka na sa impiyerno. Sabi ni Daddy mainit daw doon, walang aircon at electric fan.”

Ulila na rin siya? Napatitig ako sa batang babae. Ulilang lubos na siya pero paano pa niya nagagawang ngumiti?
“Hindi totoong walang natira sayo. Nawalan ka lang ng pag-asang mabuhay. Simple lang naman mabuhay, Kuya. Kapag gutom ka, kumain ka. Kapag galit ka, sumigaw ka. May itsura ka naman Kuya, pwede mong ibenta ang katawan mo kung kailangan mo ng pera.”

“Th-that’s wrong.” Sino ba ang batang ito? Saan niya nakuha ang kabaliwang iyon?

“Ano ka ba Kuya, joke lang iyon.” Iniabot niya ulit ang kamay niya sa akin. “Halika ka na, Kuya. Iiyak mo lang iyan sa balikat ko. Isa pa, kailangan ko rin ng masasandalan ngayon.” Pumatak ang isang butil ng luha sa mata niya. Parang piniga ang puso ko ng nagsimula na siyang umiyak. “Magkikita pa kami ni Daddy, diba? Good girl naman ako, diba? Hinihintay ba niya ako sa langit?” Tuloy-tuloy lang ang pagpatak ng kanyang mga luha. “Miss na miss ko na ang Daddy ko.”
I miss my mom too. Bumukas ang dam ng aking mga emosyon. Bumaba ako at niyakap siya nang mahigpit. For the first time in days, I grieved.

Simula ng araw na iyon, palagi na kaming magkasama sa rooftop. Nang dahil sa kanya, nagkaroon uli ng saysay ang aking buhay.

“Swissy, Swissy, Swissy..” Swissy ang tawag niya sa akin. Short term for Suicidal.

“Bakit Snow White?” tanong ko sa kanya habang nilalaro ko ang dulo ng mahaba niyang buhok. Nagiging kulay bughaw iyon kapag tinatamaan ng sinag ng araw.

“Ano ang pangarap mo sa buhay?” tanong niya habang ngumunguya ng jelly ace. Dinidilaan pa niya ang juice ng jelly ace na nasa mga daliri niya.

“Ewan.” Iyon lang ang nasabi ko sa kanya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Gusto akong kunin ng Papa ko. Hindi kasi sila magkaanak ng legal niyang asawa. Isa akong bastardo, anak ng isang kabit. Kukunin niya lang ako dahil kailangan niya ng tagapagmana. Hindi na rin ako makabalik sa States kasi tinakwil na kami ng pamilya ni Mama. Pinili niyang buhayin ang bastardong katulad ko. Isang kahig, isang tuka ang naging pamumuhay namin sa States. Nang makaipon kami ng sapat na pera, bumalik kami sa Pilipinas para hanapin si Papa para lang malaman na kasal na pala siya sa iba. Namatay si Mama pagkalipas ng isang taon dahil sa cancer. Wala na akong ibang matatakbuhan.
Hindi ko na namalayan ang pagdagan ng makulit na bata sa aking kandungan. Binatukan niya ako. “Naku naman Swissy! Libre na nga lang mangarap tapos hindi mo pa afford?!”

Pinitik ko ang ilong niya. “Anong masama doon? Sige nga, ano ang pangarap mo?”

Sumuntok siya sa hangin. “Magkafairytale ending!” Nag-echo ang boses niya sa sobrang lakas ng sigaw niya.

“Huwag ka ngang sumigaw, abot hanggang US ang matinis mong boses! Fairytale ending? Wala niyan sa tunay na buhay!”

Umirap siya.Tumayo siya at umikot na parang prinsesa. “Ah basta! Magiging fairytale princess ako tapos magkakaroon din ako ng Knight in shining armor.” Nagniningning ang mga mata niya habang nilalahad niya ang kanyang mga pangarap. Nagsayaw siya ng waltz na walang ka-partner. “Magkakaroon kami ng engrandeng kasalan! Magsasayaw kami buong magdamag. And we will live happily ever after.”

She looked so lovely. Dapat lang may background music siya. I pressed the play button of my Mom’s minicasette recorder. Pumailanlang ang paboritong awitin ni Mama, ang awiting minsa’y kinasuklaman ko dahil theme song nila iyon ni Papa. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit nagustuhan ito ni Mama.

Kahit para siyang timang, habang tumatagal lalong nahuhulog ang loob kay Snow White. Tulad ng mga prinsipe sa story books, yumuko ako sa harapan ng aking prinsesa. “May I have this dance, my princess?”

Sa tingin ng mga matatanda puppy love lang ang meron kami. Pero para sa akin, ito ay tunay na pag-ibig. Niyakap ko siya nang matapos ang kanta. “Simula ngayon may pangarap na ako. Pangarap kong makasama ka habang buhay. Forever.”

“And we will live happily ever after?” tanong niya sa akin.

“Yes, and we will live happily ever after.”

Iyon ang huling beses na nakita ko siya. Hinanap ko siya kinabukasan at wala na siya sa ospital. Ni hindi ko alam ang tunay niyang pangalan. Nagtanong agad ako sa reception. “Miss nurse, alam mo ba ang pangalan ng batang babae na palaging nakapulang bestida?”

“Naku, hijo, maraming batang babae ang nagagawi dito. Confined ba siya dito?” tanong ng nurse.

“Opo. Namatay ang tatay niya noong nakaraang linggo.”

Napakamot ng ulo ang nurse. “Check ko lang hijo ha.” Kinuha niya ang medical records at admission logbook. “Namatayan ng ama.. Last week… Aha! Lopez, Emmaline. ”

Napangiti ako. “Emmaline Lopez.”

Simula ng araw na iyon, ginawa ko ang lahat para magkita kami ulit. Tinanggap ko ang alok sa akin ng ama ko. Naging tagapagmana ako ng mga Daciano. Ang dating Andrei Craig ay naging Andrei Declan Craig-Daciano na ngayon. Napagpasyahan ko ring maging doktor. Sa ganitong paraan, maalagaan ko ang mga mahal ko sa buhay. Wala ng matutulad sa Mama ko na namatay ng hindi man lang naagapan ang sakit.

Maraming taon ang lumipas nang muling mag-krus ang landas namin ng Snow White ko. Nakita ko siya sa ospital kung saan ako ang nagre-residency. Medschool intern pa lang siya. Taglay niya pa rin ang malaporselanang balat at buhok na kasing-itim ng gabi . Halos isang taon ko siyang niligawan. Hindi niya ako nakilala. Sabi niya ayaw na niyang maalala pa ang pagkamatay ng kanyang ama. Kung sa bagay, halos sampung taon gulang pa lang siya nang mangyari iyon pero hindi iyon naging hadlang para ipagpatuloy namin ang naudlot naming pagmamahalan. Everything was happening according to our plans until that fateful day.

Nabalik sa kasalukuyan ang aking diwa nang may kumatok sa aking pintuan.

“Señorito Andrei, nandito na po si Maam Lacie,” sabi ni Manang Lilia. Nandito na siya. Si Lacie S. Vantilla, ang babaeng sumira ng buhay ko. Isa siyang medical technologist sa ospital na pinagtratrabahuhan ko.

Nakilala ko siya sa university. Isa ako sa panel para sa Research Forum. Ang grupo niya ang naging champion ng taong iyon. She’s the brightest student of that batch. Ako ang nagbigay ng award sa kanya. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko ng may gusto siya sa akin. She made it obvious to everybody. She’s very provocative.
Simula ng araw na iyon, hindi na niya ako tinantanan. Ginawa niya lahat para makuha ang atensyon ko. Kapag naaadmit ako sa ospital, nakikipag-away raw siya sa medtech. Gusto niya siya lang ang kumuha at magprocess na mga body fluids ko. Sunod ng sunod sa akin kahit saan ako magpunta. Lumala pa ang lahat ng maging magnobyo na kami ni Emmaline.

Nagtrabaho si Lacie sa ospital na pinapasukan ni Emmaline. She turned every hospital staff against Emmaline. Napilitan si Emmaline na magtansfer ng ospital. Lumipat siya sa pinagtratrabahuhan ko. Tulad ng inaasahan, sumunod rin doon si Lacie. Pinahirapan nya ang babeng mahal ko.

Ilang beses niya ba ako tinangkang akitin? Countless. Maraming beses niyang pinagsiksikan ang sarili niya sa akin sa loob ng opisina ko. Kumuha ako ng restraining order para hindi siya makalapit sa akin pero hindi iyon naging hadlang para makuha niya ang gusto niya. Isang araw, natagpuan ko na lang ang sarili kong katabi ang babaeng kinasusuklaman ko. Isang gabi. Isang pagkakamali. Pagkakamaling pagdurusahan ko habang buhay.

Nakalimutan kong lilipat na pala siya sa aking bahay ngayon. Tutal dala-dala niya ang susunod na tagapagmana ng mga Daciano.

Lacie S. Vantilla is the polar opposite of my Emmaline. Kung mala-gatas ang kaputian ni Emmaline, siya namang kina-morena ni Lacie. Emmaline’s face is free of any make up. Si Lacie naman kahit saan magpunta naka-make up. Kung ikukumpara ko sa isang fairytale, si Emmaline ang prinsesa at si Lacie ang evil witch. Tama, evil witch. Wala akong maalala sa mga nangyari pero sigurado akong ginapang niya ako sa kama. She might have drugged me or something. Ang naalala ko na lang ay isang araw nagising na lang akong hubo’t hubad sa sa kama kasama ng babaeng ito.

“Dalhin mo na lang siya sa magiging kwarto niya, Manang Lilia.”

Wala akong planong makita siya. Kapag nakikita ko siya, naalala ko ang mga luha ng aking prinsesa. Napalingon ako ng marinig ko ang isang malakas na tawa. Nakita ko si Lacie sa pintuan ng kwarto ko. Kinuha niya ang litrato namin ni Emmaline sa night stand.

“Siya pa rin ba, Andrei? ” Tumawa siya ng mapait. “Tanggapin mo na lang kasi na hindi na kayo magsasama kahit kailan. Akin na ka na ngayon. Akin lang!”

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay binasag niya picture frame.

Sa sobrang galit ay hinaklit ko ang braso niya. “You may be my future wife but you will never have my heart! Mahalin ka? In your dreams, Lacie.”

“So, you’re going to leave me and my child behind?! Just because you love someone else, my child has no future?! Baka nakakalimutan mo Andrei? Isa kang bastardo! Gagawin mo rin bang bastardo ang anak mo?!”

She nailed it. Alam na alam niya na hindi ko kayang gawin sa sarili kong anak ang ginawa sa amin na ama ko. “Pananagutan ko ang anak ko, Lacie pero kahit kailanman si Emmaline pa rin ang mananatili dito.” Tinuro ko ang dibdib ko.

“Bakit kaya hindi na lang ganito: Mahal kita, mamahalin mo ako, at bahala na ang Emmaline na iyan sa buhay niya?”

“Mahal? Hindi mo alam ang sinasabi mo Lacie. Wala kang puso. Hindi mo alam kung paano magmahal.”

This time I nailed it. There is so much hurt in her eyes. “Marunong akong magmahal, Andrei. Maniwala ka man o sa hindi, marunong ako.”

Tinalikuran ko na lang siya. Everytime I see her face, I remember my broken promises. I will always see Emmaline’s tears in those eyes.

“Fine, hiwalay tayong matutulog. I want my room to be repainted. Ayoko ng puting pintura,” biglang sabi nito.

“What?” Hinarap ko siya ulit.

“Ikaw na rin ang nagsabi, ako ang magiging asawa mo. I will be future mistress of this house. Dapat masunod ang gusto ko. Total, kaming dalawa ng anak mo ang matutulog sa kwarto na iyon,” taas noong sabi ni Lacie at pabalang na sinara ang pinto.

***

Sa kabila ng eskandalong dinala ni Lacie sa pamilya ko, nagpatuloy pa rin ako sa pagtratrabaho ko sa ospital. Balang araw mamatay din ang mga tsismis. Isang linggo na lang at ikakasal na kami ni Lacie.

Araw-araw akong kumakain sa paboritong restaurant ni Emmaline. Nagbabaka-sakali akong makita siyang muli. Limang buwan ko na siyang hindi nakikita. Napagawi ang tingin ko sa dalawang magkaakbay na pigura na sumakay sa isang kotse. Hindi ako magkakamali si Lacie iyon.

Sino ang lalakeng kasama niya? I clenched my fists. Nakipaglandian pa siya sa labas? Magkasama kaya sila ng lalakeng iyon?

Yours. She’s yours.

Hindi na ako bumalik ng ospital. Dumiretso na ako sa bahay ko. Nagpupuyos ako sa galit. Sinira na nga niya ang kasal namin ni Emmaline tapos pagtataksilan niya pa ako. The nerve of that bitch!

Pinuntahan ko siya sa kanyang kwarto pero naka-lock iyon. Akmang baba na ako ng hagdan ng makarinig ako ng kaluskos sa nursery. Pumasok ako doon at nadatnan ko si Lacie na nag-aayos ng mga baby things sa nursery. Tuwang-tuwa siya habang nilalagay ang bed sheets sa crib. Naka-set din ang isang camera recorder sa sulok ng nursery.

“Oh, Andrei! Tingnan mo oh! Diba ang cute-cute ng mga baby boots na to? Sigurado babagay to sa anak natin! Say hi to the camera, Daddy!” ” Oversized iyon para sa isang infant. Mukhang nagshopping spree siya na hindi man lang nag-iisip ng mga nararapat na gamit sa isang newborn.

“Namili ka? Bakit may doll house na? Masyado ka namang advance mamili, Lacie,” komento ko. May nakita kasi akong nakaset-up na doll house sa gilid ng nursery. Napapalibutan ito ng mga life size teddy bears.

Kumaway siya sa harap ng camera. “Hindi ko kasi mapigilan eh. Compulsive buyer ako. Alam ko kasing magugustuhan ito ng baby girl natin.”

“Baby girl natin o baby girl niyo ng lalake mo?!” Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko.

Mukhang nalilito pa siya. “Anong–”

“Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Kitang-kita ng dalawang mga mata ko kanina. Nakipaglandian ka pa talaga sa kalsada! Hindi mo na ako binigyan ng kahihiyan!”

Umiling siya. “Wala akong alam sa sinasabi mo–”

“Postponed na ang kasal. Walang kasalang magaganap hangga’t hindi ko napapatunayang anak ko nga ang batang dinadala mo!”

Nabitawan niya ang mga hinahawakang laruan. “Hindi ako papayag! Kailangan mo akong pakasalan bago ako manganak! Kailangan mo akong panagutan, Andrei!”

“Pakakasalan kita tapos malalaman kong hindi akin ang batang iyan? Huli ka na Lacie at tulad ng ibang sinungaling dini-deny mo pa! Pakakasalan kita pagkatapos ng paternity testing. My decision is final! There’s no room for arguments!”

Tinungo ko ang kwarto ko. Nag-umpisa na akong mag-empake.

“Saan ka pupunta? Doon na naman sa prinsesa mo?!” bintang ni Lacie. “Pinapasa mo sa akin ang kasalanan mo! Wala ka talagang isang salita, Andrei! Nangako kang magpapakasal tayo!”

“Nangako ako noong sigurado pa akong akin ang batang dinadala mo. Ngayon pagkatapos ng mga nakita ko? Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko, Lacie. Alam mo ba ang mga tsismis sa ospital? Isa ka raw kaladkaring babae, ang syota ng ospital. Kung sinu-sinong doctor ang nilalapitan mo. Nilapitan mo ang hematologist at ophthalmologist sa kabilang ospital. Sabihin mo nga sa akin Lacie? Dapat pa ba kitang paniwalaan? Sinira mo ang relasyon namin ng babaeng pinakamamahal ko. Can you blame me?” Tinalikuran ko siya. Umalis ako ng bahay na hindi man lang siya nilingon.

***

Pumunta ako ng Tagaytay para daluhan ang seminar for diagnostics. Na-relax ako sa malamig na klima. Naging abala ang utak ko sa seminar kaya kahit papaano ay nakalimutan ko ang mga problema ko. Aktibong-aktibo ang utak ko sa pagproseso ng mga paksa namin. Sinusubukan kong magbigay ng final diagnosis sa case study ko ng makita ko siya. Ang babaeng mahal ko, si Emmaline.

Nilapitan ko siya. Nakatuon ang buong concentration niya sa case study niya. Binalot ako ng pinaghalong kaba at kasiyahan habang papalapit ako sa kanya. Alam kong nasaktan ko siya.

Nabigla siya ng mag-angat siya ng mukha. “Andrei.”

“Emmaline.” Binalot kami ng nakakabinging katahimikan. Mga ilang minuto rin ang lumipas nang mahanap ko ulit ang boses ko. “There is a chance that I’m not the father Lacie’s child.”

Tinitigan lang ako ni Emmaline. Hinawakan ko ang kamay niya at pinuno ng halik iyon. “Kapag napatunayang hindi ako ang ama ng bata, pwede tayong magsimula ulit Emmaline. You can be my Snow White and I’ll be your Prince Charming again.”

“Andrei, nasira na ang fairytale natin. Wala ng tayo.” Pinahid ni Emmaline ang nagingilid niyang mga luha. Umiling si Emmaline. “Alam mo Andrei, honestly, I don’t think you love me at all. Nabubuhay ka sa mga alaala, Drei. You’re in love with your memories. All along, pakiramdam ko obligasyon ko ang maging girlfriend mo. Kailangan kong magkunwaring prinsesa mo para maging masaya ka. Hindi dapat ganoon, Drei. Tanggapin na lang natin na hindi lahat ng fairytale may happy ending.”

“Paano na ang mga pangarap na binuo natin sa hospital rooftop? Nangako akong tutuparin ang fairytale ending na pinapangarap mo. Paano ang happily ever after natin?” Hindi ko binitawan ang kamay niya.

“What? Rooftop?” Nagtatakang tanong ni Emmaline.

“Nakalimutan mo na ba? Nagkita tayo sa San Sebastian Medical Center noong February 28, 1992. Sabay namatay ang Papa mo at ang Mama ko ng araw na iyon. Pinigilan mo akong tumalon mula sa rooftop, remember?,” pagpapaalala ko sa kanya.

“Namatay nga ang Papa ko nang araw na iyan pero hindi ako umalis sa tabi ng Papa ko,” diretsong sagot ni Emmaline. Nabitawan ni Emmaline ang kamay ko. Nanlaki ang mga mata niya.

“Lacie.” Napalingon ako. Nakita ko si Lacie na umiiyak.

“Sabi na nga ba, makikipagkita ka sa kanya!” sigaw niya habang patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.

Nilapitan siya ni Emmaline. “It’s not what you think, Lacie.”

“It’s not what I think?!” Umugong ang isang malakas na sampal sa buong cafeteria. Hinila ni Lacie ang buhok ni Emmaline. “Mang-aagaw ka! Ibalik mo sa akin ang kaligayahan ko! Ibalik mo! Bring back my happiness! Give it back! Ahas ka! Ahas!”

Pilit kong pinigilan si Lacie. Nabitawan ko ang mga kamay niya nang marinig ko ang pagkahulog ng isang bagay mula sa bag ni Lacie. Isang pamilyar na kanta ang tumunog galing sa bagay na iyon.

Ang minicasette recorder ni Mama.

Napatitig ako sa babaeng nasa mga bisig ko. It was her. Dear God, it was Lacie. How can it be? Morena siya, puting-puti ang prinsesa ko. Snow White nga diba? Paano?

Patuloy pa rin sa paghikbi si Lacie. “Sinungaling ka, Andrei. Paasa ka. This is all your fault! You just dropped that stupid line on me and thats how.. Thats how I fell in love with you! Nasaan na ang fairytale ko? Ano na ang nangyari sa fairytale natin? Diba ako ang prinsesa mo? Sabi mo ako lang. Ako lang. Bakit hindi tayo magkatuluyan? Nasaan na ang forever?”

“Pa-paano?” nauutal na tanong ko. No, please, no.

Biglang gumuhit ang matinding sakit sa mukha ni Lacie. Napahawak siya sa mga binti niya. “Ah! Ang sakit! Ang sakit! Hindi ko magalaw ang binti ko.”

Dali-dali sumaklolo ang isa sa mga doctor. “Lacie! Shit! Bakit ka nandito?! Bawal ka sa matataas na lugar! Anong sumagi sa utak mo?!”

Namumukhaan ko siya. Siya ang lalakeng nakita kong kayakap ni Lacie nang isang araw. Pumagitna ako sa kanila ng lalakeng iyon.
Niyakap ni Lacie ang tiyan niya na tila pinoprotektahan ang baby namin. “Kuya Cedie!”

Kuya? Magkadugo sila? How can I doubt her?

“Ang baby ko! Ang baby ko! Iligtas mo ang baby ko!” Kumirot ang puso ko nang makita ko ang pag-iyak niya. Parang nagreplay ang una naming pagkikita. The same pleading eyes. There’s no denying it now. It’s her.

“We need to take her to the nearest hospital now!” sigaw ni Cedie. Walang pag-aalinlangang binuhat ko ang aking nawalang prinsesa.

“Shhhh… Princess, everything will be alright..” paulit-ulit kong bulong sa kanya.

“Ang baby natin. Iligtas mo ang baby natin.” Her terrified gaze met mine. Her soft cries break my break my heart.

Pinasok ko siya sa sasakyan ko. Nanginginig ang mga kamay ko kaya pati ang pagstart ng kotse ay hindi ko magawa. Kinalampag ni Cedie ang bintana ng kotse.

“Samahan mo si Lacie sa backseat. Keep her awake. I’ll drive.”

Dinaluhan ko si Lacie sa likod. Niyakap ko siya. Mabilis na pinatakbo ni Cedie ang sasakyan.

“I waited. You never came. You promised that you’ll find me. Bakit hindi ka dumating?” More tears streamed on her face.

“I..I never knew. Sabi sa akin ng nurse, Emmaline Lopez ang pangalan mo. Hindi ko alam..” It was all I could say to her.

“I knew it was you the first time I saw you. I recognized you. I knew you it was you. How could you not? Bakit hindi mo ako nakilala?” She gave out a sob. I kissed her forehead. I don’t know what to say.

Ito na ang pinakamatagal na biyahe ng aking buhay. Pagdating namin sa ospital, nilipat na siya agad sa stretcher pero hawak-hawak ko pa rin ang nanlalamig niyang mga kamay. “Hush now, love. We can start anew. If only…” I can no longer go back in time to make things right. “I will make it up to you. We still have all the time in the world.” Nabitawan ko na ang kamay niya nang ipasok na siya sa OR.

***

You’re going to realize what you had too late. Is it too late? Inabot sa akin ni Cedric Sebastian ang charts ni Lacie.

It drove me to my knees. Pakiramdam ko may dumukot sa aking puso at piniga iyon hanggang maubusan ng dugo. Yes, it’s too late. May Sickle Cell Disease siya. Nagkaroon siya ng sickle cell crisis sa panganganak niya. Nagka-circulatory failure siya. Bumara ang ang defective red blood cells niya sa mga organs niya dahil sa sobrang stress. Nang dahil sa mga barang iyon, nawalan ng blood supply ang organs niya. All her organs were damaged. There’s nothing we can do. There’s nothing we could have done.

“Buhay pa ang pinsan ko. Lacie can still survive maybe an hour or two on bypass. We’ll clean her off anaesthesia, wake her up and give her chance to–”

“Wake her up and tell her she’s… she’s… God! Tell her she’s dying?! Na wala ng engrandeng kasalan? Na wala ng palasyo? Na wala siyang happily ever after?!” Binunton ko sa pader ang lahat ng aking nararamdaman. Puot at galit para sa aking dalawampung taong katangahan. I did to Lacie… what my father did to my mother.
Kinuwelyuhan ako ni Cedric. “Wake her up. See her again. Tell her how much she means to you. Gugustuhin iyan ni Lacie, Andrei. She will want to say goodbye to you. She will want it. Mahal na mahal ka ng pinsan ko. Ganyan kaming mga Sebastian. We do drastic measures to get what we love. I tried to stop her before. Kahit na nasasaktan siya sa piling mo, for the first time in twenty years nakita ko siyang masaya.” Nabasag na rin ang boses ni Cedric. “She deserves to say her final goodbye. Kung may gusto man siyang makita sa huling sandali ng kanyang buhay, ikaw iyon at wala ng iba.”

***

Nakahiga ako ngayon sa hospital bed ni Lacie. Nakayakap ako sa kanya. For the first time in twenty years nayakap ko ulit ang prinsesa ko. Ito na rin ang huli. Bilang na bilang ko ang bawat minutong dumaraan.

Her long lashes fluttered. Nasilayan ko ulit ang abuhin niyang mga mata. “Swissy, ang baby natin?”

“She’s okay. Kulang lang siya sa timbang pero okay na siya.” Nasa isang incubator sa neonatal ICU ang baby girl namin, si Alice Drianna Yvainne Daciano. Ayon kay Cedric, iyon daw ang gustong ipangalan ni Lacie sa anak namin. Nakuha niya ang mamula-mulang labi ni Lacie. Nakuha niya rin ang kulay gatas nitong balat. She have my chinky eyes.

‘Thank God. Nakita ko siya kanina, ang ganda-ganda ng anak natin, Swissy. ” Hinaplos niya ang pisngi ko. “White walls. Hospital walls. “Ginala niya ang paningin sa paligid. “I’m dying, right?”

My eyes blurred with tears as I held her. Sapat na ang aking katahimikan para malaman niya ang sagot. “I’m sorry, Snow White.”

“No, its alright. Ako ang dapat mag-sorry. Naging desperada ako. Sinira ko pa ang buhay mo. Ginusto ko lang naman na magka-happy ending tayo. When I met you, I started dreaming again. You gave me hope. That’s why risked everything to be with you even for a short period of time. ”

“I understand, Snow. Sorry, hindi ka nakilala. I mistreated you. I’m sorry.” Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. I don’t want you to go. Please don’t leave me.

“Shhh.. it’s okay, Swissy.” She touched my lips. “Gusto ko lang i-clarify sayo na wala akong ibang nakarelasyon. Pumupunta ako sa ophthalmologist kasi kailangan kong ipa-check up ang aking mga mata on a regular basis. Nang dahil sa sakit ko, pwede akong mabulag anytime. Ang hematologist naman ang specialist sa sakit ko. Paminsan-minsan kasi nagkakaroon ako ng severe pain at infections. Muntik na rin akong ma-stroke dati kaya pabalik-balik ako ng ospital. Iyong lalakeng nakita mong kasama ko, si Cedric Sebastian iyon, pinsan ko iyon sa mother side. You’ve always been my only love. You’re the only one for me. Hindi ako nagtaksil sayo. Masyado kitang mahal para gawin iyon sayo, Swissy.”

“I know. I know. Sinabi na ni Cedric sa akin lahat.” Pinunasan ko ang pawisan niyang noo. “You have to relax. Bumibilis ang heartbeat mo.” I need more time. More time.

She sobbed. “Swissy, ikaw na ang bahala sa anak natin. Nakalagay sa kwarto ko ang video greetings and gifts ko sa kanya para sa lahat ng birthdays niya. Hinanda ko na ang lahat. Alam kong pwede kong ikamatay ang panganganak pero iyon lang ang paraan para magkasama tayong muli. Gusto ko sanang mamatay na dala-dala ang apelyido mo pero hindi naman natuloy ang ating kasal. Kinailangan kitang habulin kasi walang makakasama ang anak natin kapag namatay na ako. I know you’ll take care of her. You will be a great Dad. Everything will be okay.”

“You shouldn’t have done this, Snow White. Paano magiging okay ang lahat? This is so unfair! Ngayon lang kita nakitang muli. Pinaglalaruan ba tayo ng tadhana? Dapat galit ka sa akin. Bakit hindi ka galit?” tanong ko sa kanya habang hinahalikan ko ang buhok niya.

“Anger is not the last thing I want to experience. Besides, it’s a worthwhile sacrifice, Swissy.” Pinisil niya ang kamay ko.” Huwag mo na akong tawaging Snow White. Hindi na bagay eh. Nangitim na ang balat ko sa rami ng bag ng mga dugong nasalin sa akin in the past twenty years. Hindi na ako ang dati mong Snow White.”

“You will always be my Snow White. Tandaan mo iyan. There will be no other. “

Tumulo na ang mga luha ni Lacie. “I love you, Andrei.”

“I love you too, Lacie.” There I finally said it. I finally said the words I’ve been longing to say. I cradled her in my arms. My lips found hers, I sighed from the rightness of it. We fit. Like two puzzle pieces.

“Swissy, pagod na ako. Oras na siguro para matulog.” Humihina na ang boses niya. If this was a fairytale, a true love’s kiss will be enough to cure her. Pero walang ganoon sa tunay na buhay. Kahit doctor pa ako, wala na akong magagawa pa.

“Sleep, Snow White.Nandito lang ako. Hindi na kita iiwan.” Hold on. Stay. Niyakap ko siya ng mahigpit.

“I’ll sleep in your embrace at last.”Tumulo na naman ang kanyang mga luha.

I gave her one more kiss. She sighed with contentment. “Will you sing for me?”

Are those your eyes? Is that your smile… sinimulan ko ang pagkanta habang nakatitig nang tuwid sa mga mata niya.

Naging bulag ako. Ni hindi ko sinunod ang instinct kong sumisigaw na siya ang prinsesa ko. My instincts called her mine.

Umiyak siya habang nakasandal sa dibdib ko. “I love you, Swissy.”

“I love you too.” Nanginginig ang boses ko pero pinagpatuloy ko ang kanta. “Can this be real? Can this be true…” I buried my face in her hair. “Sorry, isa akong malaking estupido.” Pinabayaan ko na ang pag-agos ng luha at damdamin ko.

“I don’t regret a thing. No matter how many times we meet again, I’d definitely fall in love with you again.”

“Please, I beg you, please stay with me. I love you. Please stay.” Sa pagkakataong iyon siya na ang kumanta.

For the first time, I am looking in your eyes… For the first time, I’m seein’ who you are…

“Andrei… thank you… for being my lifeline.” Tila bulong na lamang iyon. Kitang-kita ko ang paglisan ng liwanag sa kanyang mga mata.

How I wished she only took the midnight train going nowhere. She’s gone. Forever gone. All I will ever have is her voice in my head.

This is it. The ocean of pain. The highway of regrets. I feel empty. My heart is broken beyond repair. This is the end of my twisted fairytale.

Copyright. cambrielle. All rights reserved.

___________________________________________________________
ABOUT THE AUTHOR: Cambrielle is a Medical Technologist who has a passion for writing. Since the early 2000s, she has devoted much of her time writing articles and stories for the school newspaper and magazine. She is the author of the Medical Laboratory Scientists Series, Kieran: The Rouge Celestial Fox and 5 others on Wattpad. You can also find her at her facebook page: Cambrielle WP

Advertisements

9 thoughts on “My Twisted Fairytale by Cambrielle”

  1. Hello, kumusta? Ang ganda ng story mo. Yung Twisted Fairytale. Pigil ang luha ko pero tumulo talaga. Ang galing galing mo po. Sobrang hanga ako sa mga magaling sumulat ng story ng naaattached talaga ang readers. Ang sad ng ending. I hate sad stories kasi ramdam ko eh. Affected agad ako.Tagal ko pa makamove on hanggat wala akong ibang story na babasahin.. 🙂 Pero yung story mo wow! Galing po. Sana kaya ko din gumawa ng mga ganun kagandang story. Congratz!! 🙂

    Liked by 3 people

  2. oh gosh… kakadepress… ;(

    Liked by 2 people

  3. Nasa akin pa ang review/comment ko sa masterpiece na ito… Thought I should post it here 🙂

    “entry no. 7: For the First Time

    Love the twist! Umikot bigla ang story ng 360 degrees- di ko inexpect yun. haha. I thought si Emmaline talaga ang snow white nya. Para sakin, ang ganda ng pagkaka-lagay ng kanta sa story na ‘to, hindi pilit at hindi basta lang nilagay. Keep it up!”

    Never ko na siguro malilimutan ang kwentong ‘to, the way it presented itself, at kung paano mo binigyan ng bagong image si snow white sakin. More stories Cambrielle! ❤

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s