On Sharing Views with SBC

 SBC 9MONTHSARY

Ang SBC ay hindi nangangako na mapupunta sa Hot List ang story mo pero masasabi kong may makakasama ka along the way…

On Sharing Views with SBC

01.26.15

Wattpad. Isa itong papalagong social media site — designed for both fiction lovers and newbie writers. Sa modernong panahon ng literatura sa Pilipinas, hindi maikakaila na malaki ang naging impact ng site na ito. Pinatunayan nito na nananatiling dumadaloy sa dugo ng mga Pinoy ang pagkakaroon ng malawak na imahinasyon at pagkagiliw sa pagbabasa at paglikha ng mga kuwento.

Sa papakapal na bilang ng mga taong nagiging bahagi ng Watty World, kaalinsabay nito ang pagdami ng bilang ng mga Pinoy published authors at maging ang pagbangon ng mga makabagong indie publications. Maliban doon, nagkakaroon din ng mga pangkatin at grupo — o mas kilala sa tawag na “club” — ng mga manunulat na ang hangarin ay maging magkakatuwang sa pagpapaunlad ng kaalaman sa pagsusulat, at gayon din ang pagtutulungan para mapalawak at maparami pa ang mga taong maaabot ng kani-kaniyang kuwento.

Ang “club” ay isang maliit na yunit o bahagi lamang kumpara sa kabuuang populasyon ng Wattpad. Pero maituturing ito na isa sa pinakamahahalagang instrumento kung kaya nagiging makabuluhan ang buhay-manunulat ng isang indibiduwal sa Wattpad.

Kaya naman ngayon ay ating kilalanin ang isang kakaibang grupo ng mga manunulat mula sa Watty World: Ang grupo ng mga SBCians.

Si Aya, o mas kilala bilang si @searchandrescue, ang tumatayong “Boss” ng SBC. Pero kabaligtaran ng titulong ito, hindi siya bossy pagdating sa pakikitungo niya sa kaniyang mga miyembro. Ang totoo niyan, ayaw niyang magpatawag ng “Boss.” Ngunit dahil na rin sa ipinamalas niyang kahanga-hangang katangian bilang leader, sadyang mataas ang respeto ng bawat miyembro sa kaniya. Respeto. Ito rin kasi ang ibinibigay niya sa lahat ng miyembro ng SBC — nakababata man o nakatatanda sa kaniya.

Baka naman isipin ng iba na masyado namang seryoso ang grupong ito. Kung ang pag-uusapan ay ang pagsusulat, marahil ay seryoso nga sila, pero sa pakikipagkaibigan — bagaman seryoso rin — ay talagang nag-uumapaw ang kanilang kakulitan.

Bago pa kung saan-saan tumungo ang usapan, mabuti pa ay mismong kayo na ang humusga sa grupong ito. Narito po ang exclusive interview ng StorPpy with SBC Ambassador, Aya.

 

STORPPY: Ano ba ang meaning ng SBC? Is it a club, a community, or a family?

AYA: SBC – Sharing a Brighter Community, but I prefer to call it your cyber home… a sanctuary… a place where you can be you ‘coz no one will tell you to be someone else. Parang family… nasa sa ‘yo kung paano mo siya bibigyan ng meaning. 🙂

S: Paano at kailan nagsimula ang SBC? At ano ang purpose ng pagtatatag nito?

A: It was April 24, 2014, kung di ako nagkakamali ng date na nabuo ang SBC. Nagsimula siya sa isang simpleng wish ko to discover lang talaga or more likely to help kahit ilang undiscovered writers lang. Kasi napapansin ko (since reader lang talaga ako dati pa) na ang daming mga bagong story everyday tapos yung iba ang gaganda pero iilan lang mga nagbabasa samantalang mas magaganda naman sila sa mga nasa ‘hot list’. So ayun naisip kong bumuo ng isang ‘club’ na kahit papaano magiging suporta ng bawat isa. Natatag siya in short para din sa mga writers, na maboost pa yung confidence nila sa pagsusulat kasi iba yung feeling na may sumusubaybay ng story mo at nagbibigay komento e… support talaga.

S: Ano ang qualifications para maging member? Paano maging member?

A: Simple lang… may respeto ka lang sa sarili mo… susunod na lahat nun. Wala namang pilitan kasi open siya sa lahat. Ang SBC ay hindi nangangako na mapupunta sa Hot List ang story mo pero masasabi kong may makakasama ka along the way, kung saan mo man gustong pumunta.So ayun, basta respeto talaga yan… kasi magkakaiba tayo kaya kung meron ka nun (respect) magiging maayos ang lahat.

S: What is the story behind the cute tagline, “Be Happy. Don’t Copy.”?

A: Ayun! kasi ginagawa ko yung ‘Wattpad Syndrome‘ dati (nagpromote ako e…) tapos nakikita kong nakalagay lage yung ‘NO PLAGIARISM’ mga ganung tagline. Sabi ko sa sarili ko bakit pare-parehas lang? Ibahin ko nga. Nag-rhyme naman kaya yan na ginamit ko simula nun. Pwede nyo yang gamitin kung nagsawa na kayo sa ‘No Plagiarism’ chuchu.

S: Mahirap bang maging leader or ambassador ng isang community? Does it change your life?

A: Time consuming. Pero hindi ko naiisip na leader ako, sa totoo lang. Para sakin isa lang din akong member na inatasang mag-ayos ng pairings weekly na kapag di ko nagawa wala na. Masisira na lahat. Yes.Sobrang daming nagbago sa buhay ko nang mabuo ang SBC. Bukod sa hindi na ako nakakatulog nang maayos (joke**), hindi na ako nakakapagbasa ng mga stories sa library ko. Pero magagawan ko naman yan ng paraan. So yeah… SBC Rocks my Wattpad life. Big time! Salamat!

S: Can you highlight at least one of your most memorable experiences with SBCians?

A: Uhmm… ano ba? Madami e, siguro yung everyday na pagbubukas ko lang ng Wattpad memorable na. Yung may magpapasalamat sa’kin kasi nasali sila sa pairings e naguguluhan pa rin ako… sumali naman sila, haha de joke lang. Yung patapos na ang SBC Season 1… tapos ang dami pa eh. Yung mga nakilala ko through Wattpad, memorable na lahat. Lahat-lahat.

S: Madalas may magkomento na kakaiba raw ang SBC kaysa sa ibang book clubs sa Wattpad, kasi parang ang saya-saya at halos lahat ng members ay attached sa isa’t isa. Bakit kaya ganito ang impression nila?

A: Ewan ko nga… Siguro kasi baliw ako? (Hahaha) Hindi ko din alam. Tanong mo sa kanila, pero para sakin parang tropa lang – cyber friends! nasa sa’yo kung magpapakatotoo ka o pahihirapan mo sarili mo. So sa una (magpakatotoo ka) na lang di ba? Hassle free pa ang buhay mo.

S: What are your current activities in SBC? In what platforms?

A: Pakitranslate?^__^ Pwede ba ako gumamit ng emoticons dito?
Bukod sa weekly pairings every Tuesday, may One Shot Stories na inaabangan namin; yung promotional shop para sa lahat ng gusto magpapromote; tapos may ano din… matinding secret, di (pa) pwede i-reveal e. Saka na abangan na lang nila.

S: May mga susunod ba kaming aabangan na projects?

A: Madami. Super madami… ‘pag nakatulog ako nang maayos ay magagawa ko lahat. Ayun! Abangan kasi mabibigla sila. Sa sobrang shock nila… masha-shock pa (more) sila at sasabihing: “Oh My Gosh! Is this Real?” Tapos sasabihin kong: “Yeah!”

S: Any message sa mga SBCians at sa mga nagnanais na maging members?

A: Thank you sa inyong lahat! Sali kayo ng SBC at makakabasa kayo ng mga malanobelang kwento bago nyo pa makita ang mga kagrupo nyo!

Cyber Hugs na lang! mas masaya yun…

-Thank You!-

Makipagkulitan with SBC sa kanilang mga tambayan: Wattpad and FB Page

*an Article and interview by: rainydusk
Advertisements

7 thoughts on “On Sharing Views with SBC”

  1. aww! i was smiling the whole time reading your interview aya dear! hahaha baliw talaga e kahit saan magpunta! that’s why we love you more and more! cybergrouphugs SBCians!!!!

    Liked by 1 person

  2. Binibining_K said:

    Wow. ❤

    Liked by 1 person

  3. xxRedPandaxx (Jas) said:

    I was like…’Omg! Natats ako sa interview and such!’…nakakatuwa naman ituuu! Feeling ko kasing edad ko lang sila dahil age doesn’t matter here! Wala nakong masabi eh :3

    Liked by 1 person

  4. I Just smiling the whole time. Naiimagine ko si ate aya na pasmile smile tapos hahalakhak..

    SBCIANS….CYBERHUG!

    Liked by 1 person

  5. icantbenamed said:

    hahaha, di ko alam ba’t ako pa-smile smile habang binabasa ‘to. We love you, searchandrescue 🙂

    Liked by 1 person

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s