EMPriel, On Searching the Light Through Darkness

PhY novel by EMPriel

Writing is amazing, and dangerous. Amazing, kasi pwede kang magpahayag ng damdamin mo gamit ang pagsusulat ng nobela o maikling kwento. Dangerous, dahil may kakayahan kang magpahayag, may mga pagkakataon na hindi tatanggapin ng mambabasa kung ano man ang nakasulat doon. Maaaring nakiita nila ang sarili nila at para sa kanila hindi iyon katanggap-tanggap.

EMPriel, On Searching the Light Through Darkness

03.04.15

How do we define peace? Sabi ni Wiki… Peace  is an occurrence of harmony characterized by lack of violence, conflict behaviors and the freedom from fear of violence…

Simulan natin ang kwento sa paglalakad sa bawat kalye ng ating buhay… may mga makakasalubong kang mga kakilala sa daan, babatiin mo ang mga ito at pagkatapos ng ilang palitan ng pagbati ay maglalakad kang muli at makakasalubong mo ang mga may pamilyar nang mukha na karaniwan mo nang nakikita sa araw-araw. Hanggang sa mapadpad ka sa isang lugar na hindi mo pa napupuntahan — o marahil ay hindi naman talaga bago sa’yo ngunit sadyang hindi mo na lang ito matandaan.

Paano kung mapadpad ka nga doon at makaramdam ka ng tila pagkaligaw? Malamang na aahon ang apat na letrang salitang ito sa iyong puso… Fear.

Kung may panganib na paparating, at ang takot ay bumalot sa iyo, sino ang una mong tatawagan? O kaya mo bang dumepensa gamit ang sarili mong kakayahan? Kaya mo bang harapin ang mga pagsubok na hindi mo makita dahil ang buong paligid mo’y nababalot ng kadiliman?

Maging mapagmasid, kaibigan… Lahat tayo’y nangangarap ng kapayapaan, ngunit upang atin itong matamo, kailangan nating maging matapang na isagawa ang anomang bagay na kaya nating gawin upang magbigay ng liwanag.

Katulad na lang ng ating susunod na kapanayam… Sabihin na nating isang matapang na manunulat ang aming nakausap at nagpaunlak sa aming imbitasyon upang magbigay ng mga opinyon at sagot sa ilang mga katanungan na paulit-ulit na niyang nabigyan ng kasagutan.

Tara at samahan natin ang utak sa likod ni Johan Klein sa paglalakad sa madilim na kalye ng Philippines Year 2300 (Trilogy) at sabay-sabay nating hanapin ang mailap na liwanag…

StorPpy Weblog Magazine proudly presents one of the fiercest and bravest writers of this generation. A young blood writer with stories that will surely showcase our society’s real state. Maging mapanuri. Maging mapagmasid, at makialam sa mga pangyayari.

 

STORPPY: Who is Emmanuel Priel?

EMMANUEL PRIEL: Isang manunulat sa Wattpad na pinalad na makapagpublish ng libro sa LIB. Hindi ko inaasahan iyon. Hindi lang ako nagsusulat dahil gusto ko, may gusto akong ipaalam sa mga sinusulat ko. Kahit love story pa ‘yan o may issue na tinatalakay sa gobyerno, sosyal na aspeto at maging sa edukasyon. Ang lahat ay may mensahe, nasa mambabasa na lang kung paano niya hahagilapin iyon. Hindi ako sikat, kasi pinili kong maging hindi sikat. Mas okay nang makilala ang libro dahil sa akin.

 

S: What is Philippines Year: 2300 (Trilogy)? What is it all about?

E: Isang science fiction novel na isinulat ko noong Oktubre 2013. Marahil ay dahil sa labis na galit sa gobyerno, society, at dahil na rin sa kaguluhan sa mundo kaya ko naisulat ang nobelang ‘yan. Eye opener kumbaga ang nobelang iyan. Marami din akong natutunan habang sinusulat ko ang kwento, mas nabuksan ang isipan ko sa mga issue sa gobyerno. Ang mga kasinungalingan ng mga pulitiko at maging ang national security ng bansa. Pero kahit na ganoon pa man kabigat ang naging takbo ng kwento, hindi mawawala sa atin na mayroon pa ring pag-asa ang ating bansa laban sa mga issue na ito.

 

S: How did you come up with the idea of writing PhY novel series?

E: Noong una kong sinulat ang Philippines: Year 2300, galit lang talaga at inis ang nararamdaman ko. Intro pa lang talaga ang sinulat ko. Iniwan ko sa Wattpad ang intro na iyon nang isang linggo. Hindi ko akalain na maraming magrereact sa intro. Gusto nilang gawin ko ang kwento, gusto nilang malaman kung ano ba ang mangyayari sa taong iyan na sa tingin ko ay makakapagpabago nang tuluyan sa buong mundo. Sinulat ko, hanggang sa umabot sa 2303. Doon na medyo naging malungkot ang kwento, hindi dahil sa matatapos na siya. Nalulungkot ako kasi napansin ko na kada may mabuting pagbabago sa mundo, laging nagkakaroon ng panibagong gulo.

 

S: Can you tell us something about Johan Klein?

E: Si Johan ay katulad ko rin, o masasabi kong ako siya. Kung paano siya magdesisyon, kung paano niya gawin ang mga bagay-bagay. Isa lang ang pinagkaibahan namin: yung level ng lakas ng loob para gawin ang mga bagay-bagay. Kasi kung katulad ko lang siya marami na sigurong nagbago. Marami siguro akong nagawa. Siguro mas nagising ang gobyerno sa mga pangyayari. O sadyang bulag lang talaga sila para hindi makita. Matalino si Johan, pero iba ang methods niya. Mas pipiliin niya ang gumawa ng masama at magresulta iyon sa mabuti.

 

S: Pwede mo bang i-share sa amin kung anong mga kakaibang bagay ang nagawa mo para lang sa pagbuo ng Philippines: Year 2300 or The Trilogy?

E: Kakaibang bagay na nagawa ko? Siguro yung mang-impluwensya at makapagturo, mang-inspire rin ng mga mambabasa at manunulat. Pero higit sa lahat, yung malaman na may mga gising pa rin palang Pilipino na handang tanggapin ang mga issue na mayroon tayo. At naniniwala pa rin silang mayroon pang pag-asa.

 

S: What is writing for you?

E: Writing is amazing, and dangerous. Amazing, kasi pwede kang magpahayag ng damdamin mo gamit ang pagsusulat ng nobela o maikling kwento. Dangerous, dahil may kakayahan kang magpahayag, may mga pagkakataon na hindi tatanggapin ng mambabasa kung ano man ang nakasulat doon. Maaaring nakita nila ang sarili nila at para sa kanila hindi iyon katanggap-tanggap.

 

S: So far, what is the best experience you have encountered because of writing?

E: Best experience ko na siguro yung perks ko for being a writer, yung makilala kahit papaano. Magkaroon ng mga bagong kaibigan. Umattend ng mga seminars, guesting at press conference, at maimulat ang mga mambabasa ko.

 

S: Ano ang expected reaction mo sa mga taong nagbasa at magbabasa ng PhY Series?

E: Expected ko na may hindi tatanggap sa mga nakasulat doon. May mga pagkakataon nga naman na hindi makatao ang nangyayari. Ang tanong eh, makatao ba ang nangyayari sa reyalidad? Hindi naman, di ba? Pero nagulat ako kasi tinanggap nila iyon. May mga readers na gustong maging pelikula ang trilogy na iyon. Ang lagi ko na lang sinasabi ay balang araw, hindi ako nawawalan ng pag-asa. Kahit na gaano pa kahirap ang execution ng mga scenes ay alam kong magiging pelikula rin ang nobelang iyan.

 

S: May mga susunod ba kaming aabangan na projects?

E: Marami. Kumbaga, ang Philippines: Year 2300 trilogy ay The Hobbit pa lang. May The Lord of the Rings pa, pero hindi ko masasabing kadugtong niya pa ang naturang nobela. Sa ngayon ay mahilig akong gumawa ng short stories dahil sa mga pag-eemote ko. Pero may isinusulat akong English na vampire novel ngayon.

 

S: Any message sa iyong supporters at sa lahat ng EMPerial Armies?

E: Sa EMPerial Armies at sa mga supporters, nak, grabe ang pasasalamat ko sa mga ‘yan, todo suporta talaga. Pero sana wag nila akong ituring na idol o mas nakakataas. Mas gusto ko kasi magkakaibigan lang kami. Gayun din sa mga supporters ko. Maraming-maraming salamat. Kayo ang inspirasyon ko kung bakit ako nakakapagsulat ngayon. Sana marami rin kayong natututunan sa mga sinusulat ko at ma-inspire din kayo na magsulat.

-Sa mga nagbabalak sumali, maghanda para sa grandest meet up ng EMPerial Army.
On going ang vampire story ko na Vergil, The Cerberus of the Heir. English siya at medyo nakakadugo ng ilong. Maraming salamat din sa proofreader ko ngayon na si Raggedy Cat sa Wattpad, Cat Sparrow sa fb. Sa mga admins ko na sina Aly, Searchandrescue, Summer at Keidie Red. Maraming salamat sa inyo. Syempre maraming salamat din sa Life Is Beautiful (LIB) Publishing at sa suportang ibinigay niyo sa akin.

 

-Thank You!

 

You can reach Author EmPriel on the following sites:

Facebook:  facebook.com/emmanuel.priel

Wattpad: @EMPriel

For more updates about him and his recent activities and novels, visit and be a part of: EMPerial Armies on facebook.

 

*an Article and interview by: HaurinAya
Advertisements

4 thoughts on “EMPriel, On Searching the Light Through Darkness”

  1. hahahaha..nice general!

    Liked by 1 person

  2. Galing talaga ni kuya espren

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s