Silence by Jeng Guansing de Dios

SBC-StorPpy-Silence_

“Please, Amanda, stop being foolish! Hindi na natin maisasalba ang negosyo natin,” sigaw ni Daddy.

“No! I know, we can still do something about it, Victor,” ganting sigaw naman ni Mommy.

Normal na senaryo lang ito dito sa bahay. For twenty-two long years of my existence, mabibilang ko lang ang mga araw na hindi nag-away ang parents ko.

“Kung hindi lang sana ganyan ang anak mong si Jacob…” My father’s voice was full of disgrace and disappointment.

What’s wrong with me? Bakit mukhang ako na naman ang may kasalanan ng lahat?

“Bakit kasi ayaw mo siyang pagkatiwalaan, Victor? Jacob graduated as Cum Laude of Business Administration,” malakas na sabi ni Mommy.

“And do you think that’s enough? Paano na lang siya makikisalamuha sa business world? Hah! Let’s stop this non-sense talk. My decision is final… ibebenta ko ang kompanya!” Tumalikod na si Daddy. Nagmadali na siyang lumabas ng aming bahay.

My mom was left sobbing. She was shattered by my father’s decision. I know, it’s beyond material things. Alam kasi ni Mommy na kapag naibenta na ni Daddy ang kompanya, aalis na ito kasama ang kaniyang kabit.

I can’t console Mom right now… I just can’t! In all the quarrels that they had, I remained reticent. But it doesn’t mean I have no care for them… or for this family. My father’s harsh words and my mother’s tears are like sharp daggers… silently slashing and numbing  my heart.

I hurriedly ran back to my room. Inilabas ko ang aking painting materials — paint brushes, paints and canvas. Kailangan ko na namang magpinta. I paint and draw every feeling that I can’t put into words.

My paintings are the portraits of my own life. Every stroke of my paintbrush signifies the intensity of my emotions. Sa bawat hugis na aking iginuguhit at sa mga kulay na aking nililikha, ipinadarama ko ang kalungkutan, galit at kahungkagan ng aking puso. Pero ang mga gawa ko mismo ay hindi ko man lang kayang ipakita sa ibang tao, maliban  na lang sa aking ina. Natatakot kasi ako… nahihiya. Undisclosed painter — a painter for nothing. That is who I am! Isang uod na kailanman ay hindi nangarap na maging isang magandang paruparo dahil sa mababang pagtingin sa sarili. Iyan ako. Pero anong magagawa ko? Ito ang aking nararamdaman. My own self is my greatest foe.

Talagang hindi ako kayang pagkatiwalaan ni Daddy. Ni subukan ang kakayahan ko ay hindi man lang niya naisipang gawin. Ayos lang naman sa akin — hindi ko rin naman talaga gusto ang pagnenegosyo. Napilitan lang akong tapusin ang kursong iyon dahil iyon ang gusto niya. Ang pagpipinta ang tanging gusto ko.

Pero bakit nasasaktan na naman ako ngayon?  There goes again an ignoble feeling of intense self-pity. Hindi ko tuloy mapigil ang mapaluha. Every teardrop that falls down from my eyes suddenly transforms into poisonous liquid … crippling my entire system, slowly killing my entire soul.

“J-Jacob, anak … can we talk?” narinig kong sabi ni Mommy mula sa aking likuran. Bago humarap sa kaniya,  bahagya ko munang pinahid ang mga luha ko.

I looked straight at her swollen eyes. Bigla siyang nagbaba ng tingin at muling napaluha. Lumapit ako sa kaniya, kinabig ko siya sa aking dibdib at niyakap nang mahigpit. I’m sorry, Mom . I can do nothing about it. I am just… me!

Matapos ang ilang minutong pananatili ni Mommy sa aking mga bisig, bahagya siyang umunat at muling tumitig sa aking mga mata. Kinulong ng kaniyang mga palad ang aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang kaniyang pagmamahal na kailanman ay hindi ko nadama kay Daddy. Isa akong kahihiyan para sa aking ama… isang malaking kahihiyan!

“Don’t worry about us. Makakayanan natin ito. Sanay naman akong maghirap. Nanggaling naman ako sa ganoong sitwasyon kaya hindi ako natatakot na bumalik ulit sa ganoong estado ng buhay.”

Ako rin naman po… sanay na sanay at batak na batak ang puso ko sa hirap.
Gusto ko sanang isagot kay Mommy ang mga katagang iyan. But I can’t say anything — even a single word. Hindi dahil duwag ako. Hindi rin dahil sa wala akong pakialam… kundi dahil isa akong pipi! I lack the ability to speak since birth. Masakit, mahirap tanggapin!

My disability is my heart’s frailty. Hindi ko naranasang makipaglaro sa ibang mga bata dahil tinutukso nila ako. Pinilit kong makapagtapos ng aking pag-aaral, with flying colors, pero hindi pa rin naging sapat iyon para matanggap ako ng lipunan… at lalo pa’t higit ng aking ama. Sa tingin niya, isa akong silyang putol ang paa — isang hagdang walang balangkas. Hindi buo ang pagkatao … at ito rin ang tingin ko sa aking sarili.

Nakatulog si Mommy matapos ang ilang sandali, kaya naman iniwan ko muna siya. Kinuha ko ang aking motorsiklo at nagmaneho nang walang eksaktong lugar na pupuntahan. I just want to take in some fresh air.

Nagpaikot-ikot ako. Kahit saan lang mapadpad ay ayos lang sa akin. Hindi ko kabisado ang mga lugar dito sa Metro Manila dahil madalang pa sa patak ng ulan kung lumabas ako ng aking lungga. Tirik na tirik din ang sikat ng araw, pero hindi ko ito alintana. Gusto ko lang naman kasing maglibang at makalimot. Kahit na sandali lang.

Nang makaramdam ako ng pagod at uhaw ay huminto ako sa isang convenient store upang bumili ng maiinom. Nabasa ko ang address na nakasulat sa kanilang signboard, nasa Mandaluyong na pala ako. Pagkatapos kong bayaran ang isang bottled water ay dumiretso na akong palabas.

“Ay, ano ba! Bulag ka ba?”

Nagulat ako sa malakas na singhal na iyon ng isang babae. Nabunggo ko siya habang ako’y nakayukong naglalakad papunta sa aking motorsiklo. Itinaas ko na lang sa tapat ng aking dibdib ang aking dalawang palad bilang paghingi ng paumanhin, bago ko siya tinalikuran.

“Hoy, lalaki!” pahabol ng babae, pero hindi ko na siya nilingon pa.

“Hoy! Bingi ka ba?”

Napalingon ako dahil sa sinabi niya.

“O hayan, hindi ka naman pala bingengot e. Hindi mo man lang ba ako tutulungang magpulot ng mga nagkalat na pinamili ko? Saka, hello … hindi ka man lang ba mag-so-sorry?” nakapameywang pa niyang sabi sa akin. Wala akong nagawa kung hindi ang lumapit sa kaniya. I quickly picked up her scattered things. Nakita kong namumulot na rin siya. Mga grocery items ang mga ito, karamihan ay mga biscuits and noodle packs. Ilang saglit lang ay nailagay na naming lahat sa kaniyang eco bag ang mga iyon.

Tumalikod na ulit ako.

“Sandali, oy… Salamat, ha,” mahinahong sabi ng babae. Hindi ko siya nilingon, pero pakiramdam ko ay sumusunod pa rin siya sa akin.

“Oy… bakit ang suplado mo? Hindi ka naman bingi, ‘di ba?”

Bakit ba ang kulit ng babaeng ito?

Huminto ako sa tapat ng motorsiklo ko at saka ako humarap sa kaniya. Bahagyang kumabog ang dibdib ko dahil napakalapit pala niya sa akin. Natitigan ko tuloy ang kaniyang mukha… ang ganda-ganda pala niya.

Her eyeglasses was not able to hide her alluring eyes.  Her cheeks were naturally pinkish. Napakaganda rin ng kaniyang maliit pero matangos na ilong. At ang kaniyang mga labi… parang ang sarap halikan!

“Oy, ano ba? Napanganga ka sa beauty ko, ha. Ngayon ka lang ba nakakita ng maganda?” Sa pagngiti niya, pakiramdam ko para akong malulusaw.

“Biro lang, ha?” patuloy niya. “Ako nga pala si Maryel.” All of a sudden, her voice becomes a sweet music to my ears. ‘Yong tipo ng musika na tumatagos kaagad sa puso mo kahit unang beses mo pa lang itong narinig.

She is lovely — looks kind and friendly. But I know, just like the other girls, mawawalan lang din siya ng ganang makipag-kaibigan sa akin kapag nalaman niyang pipi ako. Parang may tumarak na matalim na bagay sa aking puso dahil sa isiping iyon.

Tumalikod na ako at akmang sasakay na sa aking motorsiklo, pero hinawakan niya ang aking braso. I was electrified by that simple touch of her, naipiksi ko tuloy ang aking braso upang maalis ang pagkakahawak niyang iyon.

“Ay, b-bakit ba ang suplado mo? Ang gwapo-gwapo mo pa naman. Hump! Saka… bakit ba ayaw mong magsalita? Pipi ka ba?” Tumataas na naman ang boses niya. Marahil ay dahil naiinis na rin siya sa inaasal ko. Pero nagulat ako sa tanong niya kaya diretso akong napatitig sa kaniya at saka tumango.

“H-ha? Oh! P-pero nakakarinig ka?” muling tanong niya. Tumango akong muli.

“Oh great! You’re so blessed.” Tila natuwa pa si Maryel dahil sa pagtango ko. Is she crazy? Paano niya nasasabing mapalad ang isang pipi? Natutop pa niya ang kaniyang bibig habang nakatitig sa akin. Nagulat talaga ako sa reaksyon niya kaya gumamit ako ng sign language para itanong sa kaniya kung bakit.

“E kasi mapalad ka talaga,” sagot ni Maryel. Mabuti pala at nakakaintindi siya ng senyas ng isang pipi. Pero hindi pa rin naman niya nasagot ang tanong ko kaya muli ko siyang tinanong sa pamamagitan ng sign language.

“Basta! Ihatid mo na lang kaya ako para malaman mo ang sinasabi ko. Ay teka, ano na nga pala ang pangalan mo?”

Ano naman kaya ang dapat kong malaman? Hindi kaya miyembro ng budol-budol gang ang babaeng ito? Pero mukha naman siyang anghel.

Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata habang ginagawa ang mga senyas para sa aking pangalan. Tumingin din siya sa akin at matamang sinundan ang bawat kumpas ng aking mga kamay.

“Wow! Jacob. Ang gandang pangalan ha, bagay na bagay sa kagwapuhan mo.”

Napangiti lang ako sa kaniyang papuri. I felt the sudden crawl of heat on my face… and I know, my cheeks swiftly turned into red. Hindi naman kasi ako sanay na nakakarinig ng ganoong salita mula sa isang magandang babae. Ngayon lang.

“Halika na, ihatid mo na ako. Malapit lang naman dito ang tinitirhan ko kaya pwede mo nang iwan na lang ang motorsiklo mo rito. Safe naman ang parking area na ‘to.”

Napatango na naman ako. I don’t know, but it seems like this girl has an enormous persuading power that I can’t resist.

***

Pagkatapos ng ilang minutong paglalakad, huminto kami sa harap ng isang dalawang palapag na gusali. Tiningnan ko si Maryel at tinanong, gamit ang aking mga kamay, kung ito na ba ang kaniyang tinitirhan. Hindi naman kasi ito mukhang bahay.

“Ahuh! Halika, pumasok ka muna.” Niyaya niya ako sa loob.

Isa itong dalawang palapag na lumang gusali. Hindi ito kagandahan kung titingnan mula sa labas, pero pagpasok pa lang dito sa bukana ay namangha na ako sa aking mga nakita. The place is like a big canvas. Ang dingding na pader mula sa pinto, hanggang dito sa hallway na nilalakaran namin ni Maryel ay punong-puno ng magagandang pinta. Masaya at makulay ang aura ng mga ito. These are epitomes of happiness and tranquility. Hindi katulad ng mga pinta ko… madidilim at malulungkot ang dating.

“Nagandahan ka ba? Ahm … come, ipapakilala kita sa mga gumawa ng mga iyan,” masayang sabi sa ‘kin ni Maryel. Nginitian ko lang siya at muling sumunod sa kaniyang paglalakad.

Huminto kami sa tapat ng isang malaking pinto. Binuksan ito ni Maryel, nakasunod lang naman ako.

“Good noon, guys! Ahm, attention muna lahat kasi meron tayong bisita,” malakas na sabi ni Maryel sa mga taong dinatnan namin mula sa nabuksang pinto.

Nanlaki ang aking mga mata, parang isang malaking bulwagan pala ang silid na ito. Maraming tao. May mga bata at may matatanda; may mga naka-wheelchair; at may mga naka-tungkod. Napamaang ako at kaagad na tumingin kay Maryel dahil sa pagtataka. Agad naman niyang naintindihan ang mga bagay na gusto kong itanong.

“Guys, siya si Jacob, ang bago kong kaibigan. Jacob, sila ang mga kasamahan ko rito sa House of Blessings. Isa itong NGO na tumutulong sa mga PWD.”

I was astonished by Maryel’s words. Ibig palang sabihin, ang may gawa ng masasayang pintang nakita ko sa mga pader ay mga taong katulad ko, may kapansanan. Paano nila nagagawa ang mga iyon gayong ako nga ay halos malugmok na sa matinding galit sa mundo at awa sa sarili?

“Hello Jacob. Kamusta ka, anak?”

Napapitlag ako mula sa malalim na pag-iisip nang biglang nagsalita ang isang lalaking may edad na. Nakaupo siya sa isang wheelchair, putol ang dalawang mga paa.

I don’t know what to do. I can’t speak. So how can I greet him? I quivered. Kinakabahan kasi ako. Nakakatawa, pinagpawisan kaagad ako sa simpleng pagpapakilala lang. Napatingin ako kay Maryel, gusto ko kasing magpatulong sa kaniya. Nang ngumiti siya sa akin, alam kong naintindihan kaagad niya ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang mayroon kaming koneksyon ni Maryel kaya’t kaagad kaming nagkakaintindihan kahit sa pamamagitan lamang ng aming mga mata.

“Tata Julian, pipi po si Jacob,” malumanay na sabi niya sa matanda.

“Ah, ganoon ba? Halika, anak, pumasok ka na,” sabi ni Tata Julian. Pinagulong niya ang kaniyang wheelchair papasok sa loob ng silid. Maryel, on the other hand, held my arm to guide me while walking. Pipi lang naman ako at hindi bulag, ah. Bakit ba kailangan pa niya akong alalayan? Her simple touch made me uneasy. Daig ko pa ang isang dalaga.

“Tatlumpo kami rito, Jacob. Lahat ay may kani-kaniyang gawain base sa kani-kaniya ring kakayahan. Mga madre ang namamahala sa amin dito. Ang mga finished products ay ibinebenta namin sa labas para naman sa kabuhayan ng kani-kanilang pamilya,” pahayag ni Maryel habang itinuturo ang mga kasamahan.

Inikot ko ang aking mga mata. Nakakamangha ang aking nakikita. The huge room are divided into different sections. Few women are standing in front of a pottery table, touching, pinching ang molding the clays like a pro. Mga bulag sila, pero nagagawa nila nang maayos at maganda ang bawat hugis ng bagay na kanilang hinahawakan.

“Madilim … pero ang kanilang tiwala sa sarili ang nagsisilbi nilang liwanag upang makagawa ng ganiyan kagagandang obra.” Maryel was right, the heart sees what the eyes cannot see. Hindi na nila kailangan ng paningin para makakita. Puso lang, sapat na.

Napadako naman ang mga mata ko sa isa pang parte ng silid, sa mga nananahi at nagbuburda. Lumapit ako sa kanila upang makita pa nang malapitan ang kanilang mga gawa. Ang gaganda! Napalingon sila sa akin at sabay-sabay na napangiti.

“Mga pipi’t bingi sila Jacob,” Maryel said.

Ha? Pipi’t bingi? Mga piping katulad ko? Kaya pala tahimik na tahimik sila! Tiningnan kong isa-isa ang pitong babae at lalaking nananahi. Hindi ko makita sa kanilang mga mukha ang mga bagay na nararamdaman ko. There are no signs of grudges and self-pities … but only peace and contentment.

Napapikit ako. Parang gusto kong umiyak!

“J-Jacob, okey ka lang ba?” Tinapik ni Maryel ang aking balikat. Tumingin lang ako sa kaniya at saka ngumiti. She just smiled back at me.

I drew up a deep sigh and took another glance to these amazing people. Suddenly, a young boy in a wheelchair caught my attention. Nakatalikod siya sa akin, pero base sa mga gamit na nakapaligid sa kaniya, alam kong nagpipinta siya. Sumenyas ako kay Maryel kung pwede kong lapitan ang bata, tumango naman siya.

Dahan-dahan akong lumapit sa bata. Hindi niya ako namalayan kaya malaya kong napagmasdan ang kaniyang ginagawa. Wala pala siyang dalawang kamay at tanging mga paa ang kaniyang ginagamit sa pagpipinta. Nabagbag ang aking damdamin sa aking nakita. I quickly bit my lower lip to supress my tears from falling. Pero hindi ko pa rin ito napigilan… nag-unahang bumagsak sa aking pisngi ang maiinit na likido mula sa aking mga mata.

Napalingon ang bata nang maramdaman ang aking presensya.

“Kuya! K-kamusta po?”

I wiped my tears and looked him straight in the eyes. He was in good spirit! I saw the dazzling happiness within his gaze, shimmering like a bright light.

Maryel was absolutely right, I am so blessed. Muling pumatak ang aking mga luha. Matagal na panahon akong nagpakalunod sa galit at awa sa aking sarili, samantalang may mga tao palang higit pa ang kapansanan kaysa sa akin ngunit masaya at maayos pa ring nakapamumuhay.

“Bakit ka po umiiyak, Kuya?” masuyong tanong sa akin ng batang lalaki. Ang mga mata niya ay tigib ng sigla at pagmamahal. Tumingin lang siya sa akin at saka ngumiting muli nang hindi ako sumagot. I know, he understood my silence!

Niyakap ko siya. ‘Yong mahigpit na mahigpit. Hindi ko man kayang ipaliwanag sa kaniya ang nagawa niyang reyalisasyon sa buhay ko, gagamitin ko na lang ang aking puso para maipadama ito. Hindi ko pala kailangang makapagsalita para lamang mabuhay nang normal at maayos. Self-love… ito pala talaga ang kauna-unahang bagay na dapat kong matutunan upang mahalin ako at tanggapin ni Daddy, at magingt ng lipunan. Ito ang isang bagay na kaytagal kong ipinagdamot sa aking sarili, pero ngayon, handa na akong magbigay.

“Oy, Jacob. Hindi ba, tama ako? You’re so blessed,” sabi sa akin ni Maryel. Nakalapit na pala siya sa amin nang hindi ko namamalayan. Nilingon ko siya at niyakap nang mahigpit … yakap ng pasasalamat.

Kumalas si Maryel sa pagkakayakap ko matapos ang ilang sandali. She removed her eyeglasses and looked at me. Hindi ko alam, pero parang naiiyak siya.

“You know what? I’m visually impaired, Jacob. Tuluyan nang nabulag ang kanang mata ko… at ang kaliwa naman ay nanlalabo na rin. Pero ayos lang kahit tuluyang panawan ako ng paningin. Magpapasalamat pa rin ako kay Lord dahil nasilayan ko ang ganda ng mundo,” pahayag ni Maryel sa pagitan ng ngiti at hikbi.

Tinitigan ko siya… titig na alam kong naiintindihan niya sa kabila ng aking katahimikan. Dahil ngayon, natutunan ko nang magsalita gamit ang aking mga mata at puso. Both of us found solace in each other’s eyes. Uuwi akong baon ang bagong pag-asa, hindi lang para sa aking sarili, kung hindi para na rin sa mga magulang ko — at sa buong House of Blessings.

Pangako, tutulungan ko kayong lahat. Dahil kaya ko na… kaya ko pala. Kayang-kaya!

 

Copyright. Jeng Guansing de Dios. All rights reserved.

___________________________________________________________

ABOUT THE AUTHOR: Jeng Guansing de Dios is a BSA graduate. Despite of her busy life as an employee, a wife and a mother, she still finds time to do the thing that she loves… writing. She started blogging last May of 2011 up to 2013 using her pseudonym “gintongkampupot”. She entered Wattpad, as purplejeng, last July of 2014 and started writing several stories of different genres. Just recently, her fantasy story entitled “Si Aris at ang Wonderland” was being chosen for publication by ProjectNY as part of the book PNY7.

To read more of Jeng’s stories and novels, visit her on her Wattpad: @purplejeng

12 thoughts on “Silence by Jeng Guansing de Dios”

  1. nice..congrats po!more stories pa!!

    Liked by 2 people

  2. ang ganda nito Ate Jeng. Nakakatats! Ang galing mong gumawa ng mga inspirational stories

    Liked by 2 people

  3. habang nagbabasa, yong tubig sa mata ko gustong lumabas.. kaso hindi pwedeng umiyak.. huhuhu.. pagtatawanan nila ako. thumbs up

    Liked by 1 person

    • Ako, kahit gawa ko ‘to naiiyak pa rin ako kapag binabasa ko. Parang paulit-ulit din kasi ‘yong realization sa buhay ko. Tapos noong ginawa ko ‘to, ito ‘yong time na down kaming mag-asawa dahil ‘yong baby namin, at the age of 5, ay na-diagnosed na may deprensya ang structure ng cornea ng mata kaya need magsalamin ng mataas ng grado… like me. Impairment din ‘yon e, pero kahit papaano may salamin naman. Kaya lang marami ng limitations ang pagkilos nya. Naaalala ko rin ang isang pamangkin namin na pipi’t bingi kaya may hugot talaga sa akin ang story kong ito. Thank you for reading 🙂

      Liked by 1 person

      • awwts… alam mo ate habang binabasa mo kasi ang story mo na ito,,alam mo yung makikita mo kung gaano ka kawerte sa buhay..as in..thank you po and Godbless!

        Like

  4. Maganda mama jeng… kahit may kapansanan may puwang pa rin sa lipunan o sa mundo.

    Liked by 1 person

  5. ang ganda! very inspiring talaga..gusto kong umiyak. minsan kasi nakakalimutan kong i am so blessed. but this story reminds me of how God love me so much despite of my flaws. thank you for writing this ate Jeng and to storppy for posting such beautiful story. 😉

    Like

  6. Ang ganda. Ngayon ko lang naisipang basahin. Pero isa lang masasabi ko… hindi ako nagsisise. Sa isang obrang ito, napagtanto ko kung gaano ako kapalad na tao. Na marami pa pala akong dapat ipagpasalamat.

    Congrats po ate Jeng 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s